top of page
Search
  • BULGAR

Sept. 8, National Green Building Day – P-Duterte

ni Lolet Abania | October 28, 2020



Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang September 8 kada taon bilang National Green Building Day upang itaguyod ang pagpapanatili ng kaunlaran sa industriya at sektor ng konstruksiyon.


Pinirmahan ni Pangulong Duterte noong October 21 ang Proclamation 1030 na ang layunin ay maitaas ang kamalayan ng publiko sa pagkakaroon ng mahusay at maayos na paggamit ng ating pinagkukunang yaman, tamang water and waste management, at pagsasagawa ng mga proseso at sistemang maka-kalikasan.


“There is a need to provide opportunities to encourage cooperation between the public and private sectors in advancing the government’s commitment to protect the environment,” ayon sa nakasaad sa proclamation.


Dagdag pa rito, inatasan ni P-Duterte ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pakikipagtulungan ng non-government organizations (NGOs) at civil society groups na manguna sa pagsusulong ng National Green Building Day sa pamamagitan ng mga proyekto, programa at aktibidad na kanilang gagawin sa hinaharap.


Gayundin, nagbigay ng direktiba ang Chief Executive sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, state-owned corporations at mga state universities at colleges na dapat na suportahan ang DPWH.


Hinimok din ng pangulo ang mga local government units (LGUs) at ang private sector na gawin ang katulad na mithiin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page