top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Separation pay ng empleyado na nakipag-away sa manager

BULGAR
Mar 9, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 9, 2022


Dear Chief Acosta,


Nakaalitan ko ang manager sa aking trabaho. Mula nang kami ay magkaroon ng pagtatalo ay pinag-iinitan na ako at araw-araw ay inililipat-lipat ng work assignment.


Kalauna’y once a week na lang ang ibinibigay sa aking schedule ng trabaho. Hindi ko na matanggap ang ganitong pagtrato kaya ako ay nagsampa ng kasong constructive dismissal laban sa aking employer. Matapos ang kasong aking isinampa ay nagdesisyon ang korte na ako ay bayaran ng backwages at i-reinstate sa aking dating posisyon. Ayoko sanang bumalik dahil hindi na maganda ang pakikitungo ng aking manager. Papasok na ba ito roon sa tinatawag na “strained relations” at puwedeng bayaran na lamang ako ng separation pay? - Jay


Dear Jay,


Ang sagot sa inyong katanungan ay nasagot ng Katas-taasang Hukuman sa kaso ng Rodessa Quitevis Rodriguez vs. Sintron Systems, Inc and/or Joselito Capaque (G.R. No. 240254, Ponente: Honorable Associate Justice Alfredo Benjamin Sabater Caguioa). Ayon sa Korte Suprema:


“…this doctrine only arises when there is an order for reinstatement that is no longer feasible. It cannot be invoked by the employer to prevent the employee's return to work nor by the employee to justify payment of separation pay. As discussed, there having been no abandonment nor dismissal, the employee-employer relationship between the parties subsists. Hence, there is no need for reinstatement.” (Binigyang-diin)


Ayon sa nasabing desisyon, ang doktrina ng “strained relations” ay maaari lamang i-apply kung mayroon ng Order for Reinstatement at ito ay hindi na maaari dahil hindi na magiging maayos ang relasyon ng employer at employee. Hindi ito maaaring gamiting dahilan ng empleyado upang humingi ng separation pay.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page