top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

Senate website, na-hack

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | June 12, 2026



Senate na hack ng Nullsec PH

Photo: Senate web / SS



Kinumpirma ng Senate’s Electronic Data Processing and Management Information Systems (EDP-MIS) na na-hack o nabago ang laman ng kanilang official website, habang isang grupo ng mga hinihinalang hacker ang umako ng pananagutan sa insidente.


Bunsod nito, pansamantalang isinailalim sa maintenance ang website ng Senado makaraang akuin ng grupong Nullsec Philippines na nabago nila ang laman o hitsura ng isang pahina ng opisyal na website ng institusyon.


Ang mga screenshot na kumalat sa social media ay nagpapakita ng isang mensahe na kumokondena sa korupsiyon at nananawagan ng transparency at accountability sa pamahalaan.


Sa isang pahayag, sinabi ng Senado na nagsagawa na ito ng imbestigasyon upang alamin ang buong detalye at pinagmulan ng insidente.


Wala namang umanong confidential o sensitibong impormasyon ang nakompromiso o nakuha.


Nabatid na ang defacement ay isang uri ng cyberattack kung saan binabago ng mga hacker o hacktivist ang hitsura o nilalaman ng isang website, ayon sa Canadian Centre for Cyber Security.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page