top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Senador si Pacquiao, konsehal ang anak… JINKEE, TATAKBO RING PARTYLIST REP.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 9, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 9, 2024



Showbiz News

Hindi lang pala ang mag-amang Manny Pacquiao at Michael Pacquiao ang nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa upcoming 2025 midterm elections.


Si Manny ay nag-a-aspire na makabalik sa Senado matapos hindi palaring tumakbong pangulo ng 'Pinas. Ang kanyang pangalawang anak naman na si Michael ay nag-file para maging konsehal sa General Santos City.


Pero bukod nga sa mag-ama, hindi rin nagpatalbog si Jinkee Pacquiao at nag-file rin ng COC bilang 2nd nominee ng MPBL Partylist.


Hindi first time pumasok sa pulitika ni Jinkee dahil kung matatandaan, naging vice-governor na rin siya sa Sarangani mula taong 2013 to 2016.


At dahil pasok nga ang pamilya Pacquiao sa mga magkakapamilyang tatakbo sa halalan, hindi rin sila nakaligtas sa pamba-bash ng mga netizens kaugnay ng political dynasty, lalo't tatakbo rin ang dalawa pang kapatid ni Manny Pacquiao at maging ang hipag ng boxing champ.


Well, abangan na lang natin kung papalaring makakuha ng seat sa Kongreso si Mrs. Pacquiao at kung magagamit ba niya sa pagrampa roon ang kanyang mga luxury bags, shoes, jewelries at iba pang gamit sakaling manalo nga siya.


Endorser ng Milo noon, may bago na ngayon… 

CARLOS: CHOCO DRINK, MADALAS HINDI HEALTHY


Carlos Yulo - Chloe Anjeleigh San Jose / IG

Matapos pagtawanan ng mga kalalakihan si Carlos Yulo dahil sa pagsusuot niya ng crop top shirt para makasunod lang sa uso, may bago na namang isyung ibinabato sa Paris Olympics 2024 double gold medalist.


Kung matatandaan, ilang linggo pa lang ay na-bash si Yulo dahil pinagsuot ng girlfriend na si Chloe San Jose ng crop top.


Sabi ng mga kilalang fashionista, may binabagayan daw ang crop top at hindi lahat ng lalaki ay kering magsuot nito. 


Kung matangkad at tipong sosyalin ang isang lalaki, pasadong magsuot ng crop top. 

Pero, kung tulad ni Carlos Yulo na medyo bansot at 4’11” lang ang height ay nagmumukhang katawa-tawa. Kaya kung anu-anong memes ang naglabasan tungkol sa crop top outfit ni Carlos Yulo. 


At ang latest na ibinabato sa kanya ay ang diumano'y naging pahayag niya kaugnay ng pagiging endorser niya ngayon ng isang brand ng barley chocolate drink. 

Dahil hindi na siya ini-renew bilang endorser ng Milo choco drink, tinanggap ni Caloy ang offer na mag-endorse ng barley choco drink. 


Wala sanang problema kahit tumanggap si Carlos na maging endorser ng ibang brand ng choco drink dahil binitiwan na siya ng Milo Phils. Pero, hindi na sana siya nag-comment ng hindi maganda sa una niyang in-endorse na chocolate drink. Lumalabas kasi na wala siyang utang na loob sa Milo Phils. na siyang unang sumuporta noon sa kanyang mga laban at trainings bilang isang gymnast.



MASUSUBOK sa darating na midterm elections kung may karisma sa mga botante ang mga kakandidatong artista na wala pang experience na maging public servant, tulad ni Aljur Abrenica na tatakbong konsehal sa Angeles City, Pampanga.


Hindi kaya makaapekto sa kanyang kandidatura ang mga kontrobersiya at isyu na kanyang kinasasangkutan? 


Hindi ba mauungkat ang pakikipaghiwalay niya kay Kylie Padilla at ang pag-amin nila ni AJ Raval sa kanilang relasyon? 


Ano ang puwedeng ipagmalaki ni Aljur na nagawa niya sa Angeles City? May mga charity projects ba siya na nakatulong sa kanyang mga kababayan? 


Well, mabuti pa ang aktres na si Angelika Dela Cruz na nagsilbing konsehal sa Malabon.

At least, may napatunayan na si Angelika at nakita ng kanyang mga kababayan na isa siyang masipag na public servant. 


Ngayon ay kakandidatong vice-mayor ng Malabon si Angelika. Tiyak na matatandaan siya ng mga kababayan niya sa Malabon sa kanyang mga nagawa noong siya ay konsehal. 

Ang mga botante ang huhusga kung karapat-dapat si Angelika Dela Cruz na mahalal bilang vice-mayor ng Malabon.


WELL-LOVED ng lahat si Manay Gina Perez de Venecia na isa sa mga anak ni Doc Jose Perez ng Sampaguita Pictures at maybahay ng dating House Speaker na si Joe De Venecia. 


Aktibung-aktibo noon si Manay Gina sa mga projects ng Congressional Spouse Foundation Inc. noong siya ang namumuno rito.


Bago pa siya pumasok sa political arena, nagkaroon ng mga TV shows sa GMA-7 si

Manay Gina tulad ng Pira-Pirasong Pangarap (PPP) at Kapwa Ko... Mahal Ko! (KKMK). 

Noong 2010, nagsimula ang kanyang political career nang tumakbo siyang congresswoman sa 4th District ng Pangasinan. Dalawang terms siyang namuno bago pansamantalang nagpahinga sa pulitika.


Nang mahalal na congressman sa 1st District ng Pangasinan ang anak niyang si Christopher de Venecia, malaki ang tulong at suporta na ibinigay ni Manay Gina dahil sa mga charity projects na kanilang tinutukan. Lahat ng makakabuti sa mahihirap nilang kababayan ay binigyan nila ng prayoridad. 


Sa pagtatapos ng termino ni Cong. Christopher, marami ang nagsasabing si Manay Gina ang karapat-dapat na humalili sa puwesto nito bilang congresswoman sa 1st District ng Pangasinan. Ganoon kalaki ang tiwala ng mga Pangasinense kay Manay Gina Perez de Venecia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page