top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Senador hinabol sa loob ng Senado, nadapa... Bato, nakipagbuno sa NBI, duguan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 12, 2026



Ronald Bato Dela Rosa - FB

Photo: Ronald Bato Dela Rosa - FB



Naging emosyonal si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos magpakita sa sesyon ng Senado kahapon.


Ayon sa ulat, agad namang pinakalma ng ilang senador si Dela Rosa habang nasa loob ng sesyon matapos itong makitaan ng matinding emosyon at duguan ang kamay dahil sa hinarang umano ang senador ng National Bureau of Investigation.


Nadapa pa si Dela Rosa nang habulin ng mga NBI agent sa isang punto pero hindi pa rin naaresto. 


Samantala, duguan at sugatan din ang isang tauhan ng Office of the Sergeant at Arms (OSSA) na si G. Terrence Lim mula sa kamay ng NBI. 


Tinangkang pigilan ni Lim ang mga tauhan ng NBI dahil sa pinaiiral na lockdown ng Senado kasunod ng pagsugod ng mga tauhan ng NBI sa Senado para arestuhin si Dela Rosa. 


Bagay na hindi nagustuhan ng mga tauhan ng NBI na nauwi sa isang komosyon sa pagitan ng OSSA at NBI. 


Dahil sa pagbitibit ng mga tauhan ng NBI kay Lim ay halos nawasak ang suot-suot nitong barong at natira na lamang ang kanyang t-shirts na panloob. 

Pilit din ipinasok sa sasakyan ng NBI si Lim at sumigaw pa ang isa sa mga miyembro ng NBI na puntahan na lamang si Lim sa NBI. 


Ngunit ilang minuto ang lumipas ay biglang bumukas ang sasakyan ng NBI sa likod na bahagi na sakay si Lim at bigla siyang bumaba at nagtatakbo. 


Sigaw ni Lim ginawa lamang umano niya ang kanyang trabaho batay sa order na lockdown. 


Matapos nito ay agad na dinala sa Medica-Dental clinic ng Senado ng kasamahan ni Lim. 


Agad siyang nilapatan ng pangunang lunas at nakatakdang dalhin sa pagamutan para sa mas malalim na pagsusuri kay Lim.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page