top of page

Senador, CEO ng company, etc. MGA NINONG AT NINANG SA KASAL NINA ARJO AT MAINE, PURO BIGATIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 6, 2023



Isa-isa nang nakikilala ang mga magiging ninang at ninong sa wedding nina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza.


Pagkatapos dalawin ng mga ikakasal sina Tito Sotto at Joey de Leon para ipaalam at kausapin na dalawa sila sa napili nilang maging ninong sa kanilang kasal, ngayon naman, mga ninang ang nakikilala natin.


Isa si Rhea Tan, CEO at founder ng Beautederm Group of Companies sa mga magni-ninang sa Atayde-Mendoza nuptial.


Ipinost ni Ms. Rhea ang gift box ng mga ikakasal na puno ng regalo. May nakasulat na “A&M” ang naturang present box na ang ibig sabihin ay “Arjo” at “Maine”.


Ang nasilip naming mga nasa gift box ay Jo Malone Body and Hand Lotion, Jo Malone Body and Hand Wash, Acca Kappa Home Fragrance at may iba pa na hindi namin nakita.


Sabi ni Ms. Rhea, “So kilig! I’m so honored! Inaanaks, Cong. @arjoatayde and @mainedcm.”


Isa pang ninang sa kasal nina Arjo at Maine ay si Ms. Rusky Fernandez at ipinost din niya ang natanggap na gift box mula sa mga ikakasal. “I am touched, honored and loved to be your Godparent. Love you both, Arjo and Maine,” sey nito.


Malapit na talaga ang kasal nina Arjo at Maine at ang balita nga ay sa July 28 na. In fact, noong nakaraang Martes, July 4, may inihandang bridal shower ang mga solid fans ni Maine para sa kanya at masusundan pa ito.


Sa mga susunod na araw, malalaman pa natin ang ibang ninong/ninang sa kasal nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page