top of page
Pokwang.jpg

Senado at Kamara, nganga sa libu-libong Chinese na nakatira sa ‘Pinas na nabakunahan ng COVID vaccin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2021
3 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 19, 2021



Hindi natin maintindihan ang IATF kung bakit ayaw ibunyag ang aktuwal na presyo ng COVID vaccine.


Imbes na paulit-ulit ang ulat ng DOH sa istatistika ng COVID cases, bakit hindi isabay dito ang updates sa pagbili ng COVID vaccine at kung magkano!


◘◘◘


SA totoo lang, hindi mapipigil ng gobyerno ang black market sa bakuna at maging sa gamot laban sa COVID.


Matagal nang nakapasok ang gamot kontra COVID mula China—may nagawa ba ang gobyerno?


Waley!


◘◘◘


LIBU-LIBONG Tsino na nakatira sa Pilipinas ang naturukan ng COVID vaccine, bakit hindi nag-iimbestiga ang Senado at Kamara?


Exempted ba sa batas ng Pilipinas ang mga Chinese, na tila probinsiya ng Mainland China ang ating bansa!


◘◘◘


HINDI magpapatiuna si P-Digong sa pagpapaturok ng COVID vaccine.


Ayaw niyang matulad sa mga senior citizen ng Norway—natigok matapos mabakunahan!


◘◘◘


SA aktuwal ang proseso ay mismong COVID ang karaniwang itinurok sa pasyente pero mahina lang ang talab.


Ito ay upang makiliti ang immune system at maglabas ng anti-bodies laban sa COVID!


◘◘◘


KARANIWANG mahina ang immune system ng matatanda lalo pa’t ang mismong matanda ay mayroon pang iba’t ibang sakit tulad ni P-Digong.


Tumpak ang desisyon ni P-Digong na huwag munang magpaturok—at gagayahin ko siya.


Malamang ay gayahin din siya ng iba pang senior citizens.


‘Eka nga, hindi nila ako “maiisahan”.


He-he- he!


◘◘◘


DAHIL sa dami ng branded na COVID vaccine, nagsisiraan na at naglalabas ng black propaganda ang bawat kampo.


Lahat siyempre ng gamot o vaccine ay may side effects.


Ang side effects—ay siyempre, nakamamatay sa may mahinang resistensiya.


Kailangan pa bang i-memorize ‘yan!


◘◘◘


HINDI puwedeng garantiyahan ng gobyerno ang alinmang bakuna—na hindi mamamatay ang tuturukan nito.


Siyempre, komporme ‘yan sa resistensiya ng indibidwal!


◘◘◘


PINAKAMAHALAGA ay consent ng indibidwal na nagkukusa siyang magpaturok ng bakuna na dapat ipaliwanag muna sa kanya ang side effects.


Hindi puwedeng idikta o puwersa ng gobyerno ang indibwal na turukan ng bakuna—kapag ayaw niya.


Walang ganyang batas at hindi puwedeng gumawa ng batas na lalabag sa “karapatan ng tao na magdesisyon sa kanyang sariling buhay”!


◘◘◘


NAGTATAKA tayo sa sinasabing “mandatory” ang pagpapaturok ng COVID vaccine.

Dapat ipaliwanag ‘yan ng IATF.


Inuulit natin: Hindi puwedeng puwersahin ng gobyerno ang indibidwal na iturok ang vaccine—ng labag sa kanyang kagustuhan.


Period!


◘◘◘


UNAHIN muna ng gobyerno ang mga nagkukusang magpabukana, bago pilitin ang mga tumatanggi.


Halimbawa, puwede bang idikta ng gobyerno na lahat ng senior citizen ay babakunahan sa ayaw o sa gusto nito?


Imposible ‘yan at malaking gulo ‘yan lalo pa’t may namatay na sa bakuna!


◘◘◘


HINDI dapat inaaksaya ng DOH at IATF ang espasyo o oras ng media sa pagbibigay ng paulit-ulit na istatistikang hinahaluan ng pananakot.


Dapat gamitin ang espasyo at oras sa pagpapaliwanag tungkol sa bakuna—nang patas at walang itinatago!


◘◘◘


UNAHING ipaliwanag ang side effects at isunod ang positibong epekto ng COVID vaccines.


Magtiyaga dapat ang gobyerno na magpaliwanag hinggil sa bakuna dahil maraming fake news sa internet!


◘◘◘


MARAMING nagsasaradong maliliit na negosyo mula nang maglabas ng disconnection order ang Meralco.


Ito ang tunay na krisis!


◘◘◘


PAGPASOK ng Enero, kapansin-pansin ang sobrang tumal ng negosyo na sinabayan ng paniningil ng utilities.


Marami na ring obrero ang nagsiuwi na sa mga lalawigan dahil hindi napapasuweldo ng mga amo!


◘◘◘


DATI-RATI ang mga nagtatrabaho sa Metro Manila ang nagpapadala ng pera sa lalawigan.


Pero, ngayon—ang mga nasa Metro Manila na ang pinadadalhan ng pera ng mga kaanak mula sa lalawigan upang may makain!


◘◘◘


MARAMING obrero sa Maynila ay nagsisiuwi na sa lalawigan matapos padalhan ng perang pambayad sa transportasyon ng kaanak mula sa mga lalawigan.


Normal ang buhay sa mga lalawigan, pero sa Metro Manila—ay abnormal hindi dahil sa COVID, bagkus ay dahil sa krisis sa ekonomiya!


◘◘◘


HINDI na COVID ang iniintindi ngayon ng mamamayan, kundi kung paano mabubuhay nang walang dumarating na salapi sa kanilang mga kamay.


Ang final decision?


Umuwi muna sa lalawigan—upang hindi magutom at makagawa ng krimen sa kalunsuran!


◘◘◘


WALANG nakikitang solusyon at pag-ahon ang ordinaryong tao na nasa Metro Manila.


Alam ng mga ito na ang pondo ng gobyerno ay ninanakaw nang lantaran ng mga opisyal ng gobyerno!


◘◘◘


IMBES na magreklamo at magprotesta, tameme na umuuwi na lang ng lalawigan ang mga obrero sa Kamaynilaan.


Sa probinsiya ay aktuwal na walang gutom—at kasama pa nila ng mga kababata at kamag-anak!


◘◘◘


KUNG grabe at nasorpresa ang mga tao sa krisis noong 2020, iba ang sitwasyon ngayon.


Alam na alam at mulat na mulat ang mga tao sa krisis na nararanasan at gagrabe pa sa mga susunod na mga buwan.


Sira na kasi ang ekonomiya!


◘◘◘


ANG mga taxi driver ay nag-aagawan sa kakarampot na bilang ng pasahero.


Walang tao sa mall, wala ring gumagala pero napakaraming taxi na nagtitiyagang mag-boundary pero hindi nakokompleto ang entrega!


◘◘◘


MARAMING taxi ang hindi na inilalabas, walang pasahero sa kalye.


Kakaunti ring namimili sa mga tindahan.


Walang linaw kung hanggang kailan ito mananatili!


◘◘◘


TALIWAS sa 2020 na sorpresa ang krisis; sa 2021—inihahanda ng mga tao ang sarili at pamilya sa mararanasang lagim sa susunod na 12 buwan.


Huwag sanang magkatotoo ang kanilang pangamba!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page