top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Sen. Tito, nagkamali raw... VIC: MAS MALAKI PA SA P30 M ANG UTANG SA AKIN NG MGA JALOSJOS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2023
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 6, 2023



Kahit kare-recover lang niya sa pagkakaroon ng COVID nu’ng bago siya nag-birthday last April 28, game na game pa ring humarap si Bossing Vic Sotto sa ilang media people and vloggers para sa renewal of contract niya bilang endorser ng Hanabishi Appliances since year 2015.


Yes, ganu’n na katagal na endorser si Bossing ng naturang appliances brand kaya nagbiro nga ito na gusto na niyang magpalit ng apelyido at maging Ong dahil parang naging kapamilya na rin siya ng magkakapatid na Ong na may-ari ng Hanabishi.


Two years contract ang muling pinirmahan ni Bossing Vic at effective endorser talaga siya dahil since 2015 nga ay may partnership na sila ng Hanabishi Appliances to the point na pati ang mga advocacies ng Eat… Bulaga! ay sinusuportahan ng naturang company.

Sulit naman ang Hanabishi kay Vic dahil ipinagsigawan talaga ng komedyante-TV host na halos lahat ng appliances nila sa bahay ay Hanabishi.


But of course, bukod sa kanyang renewal of contract, hiningan din ng opinyon si Bossing Vic sa nangyayaring gulo ngayon sa Eat… Bulaga!, lalo’t sunud-sunod ang naging interview kay Sen. Tito Sotto kung saan ibinulgar nga nito na may tig-P30M diumanong utang ang TAPE, Inc., na pinamumunuan ng pamilya Jalosjos, kina Vic at Joey de Leon.



Sagot ni Bossing Vic nang matanong sa Q&A during the mediacon-contract signing, "I'm sorry but I would rather not comment on that, dahil nasabi na lahat ni Tito Sen, eh. At lahat ng katotohanan ay nailahad na niya. Wala na akong maidaragdag pa ru'n. Wala na akong aalisin o idaragdag. Basta, isa lang ang masasabi ko, Eat... Bulaga! is here to stay."


Kinantiyawan ni MJ Marfori si Bossing Vic na ang na-realize raw ng marami sa ibinulgar ni Tito Sen ay ang laki pala ng talent fee niya sa Eat… Bulaga!.


Sagot uli ni Bossing, "Kulang pa nga 'yun, eh. Na-wrong info (information) pa kasi si Tito Sen du'n, eh. 'Yung kay Joey 'yun."


At paglilinaw niya, hindi naman one month o one year talent fee 'yun.


"Hindi, sa tagal naman, eh, sa haba ng delay kaya umabot sa ganu'n. Pero sa amin ni Joey, wala 'yun. Ganu'n namin kamahal ang Eat... Bulaga!" seryoso at emosyonal niyang sabi.


Sa one-on-one interview after ng Q&A, tinanong namin si Bossing Vic kung true ba na may balak siyang magdemanda laban sa EB! producer dahil sa malaking utang sa kanya.


"Wala. Hindi ako ganu'n. Ah, kung mababayaran ako, eh, di good, pero kung hindi naman ay ayos lang."


"So, parang puwede mo pa ring palagpasin ito?" tanong namin sa TV host.


Aniya na cool na cool, "Bakit hindi? Kung hindi kayang bayaran, eh, di okay lang."


"Wow! Ang yaman mo na talaga, Bossing," birong sabi namin sa kanya.


Sagot uli niya, "Hindi naman. Hindi lahat ng bagay ay nadaraan sa pera. Mas importante 'yung prinsipyo kaysa sa materyal na bagay."


Huwooow! So, that's Bossing Vic talaga, mga Dabarkads!


Pero teka, puwede pa bang daanin sa pag-uusap ang problema sa Eat… Bulaga!?


Sey ni Bossing Vic, "Nag-uusap naman."


Tanong uli namin, "Pero, si Tito Sen, parang medyo na-hurt. Medyo na-hurt siya, 'di ba?"


Aniya, "Ay, basta lahat ng sinabi ni Tito Sen ay suportado namin ni Joey at saka ng buong Dabarkads kasi 'yun lang naman 'yung katotohanan. 'Yun lang ang totoo. Lahat ng sinabi niya ru'n, totoo, walang dagdag at walang bawas."


'Yun na! Thank you, Bossing Vic!


At in fairness, walang Hawi Boys kundi mga vloggers lang na nag-uunahang magpa-picture sa mister ni Pauleen Luna.


Ibang klase talaga ang appeal at karisma ng isang Vic Sotto!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page