top of page

Sen. Tito, Cristy at PBBM, hinamon at inaway… ANJO, DESPERADO NA, HANAP-DAMAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 10, 2025



Anjo Yllana

Photo: Anjo Yllana / FB Live / SS



Ano na nga ba ang nangyayari ngayon kay Anjo Yllana at tila tuluyan na siyang nawawala sa kanyang sarili?


Matapos niyang siraan at ilaglag si Sen. Tito Sotto, binanatan naman niya ang veteran movie writer-radio anchor na si Cristy Fermin.


Tapos, pati na si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ay kanya ring hinamon at idinamay sa kanyang mga litanya.


Marami ang nagtatanong kung bakit naging ganito na ang direksiyon ng pag-iisip ngayon ni Anjo. Desperado na ba siya sa buhay kaya nandadamay ng mga taong nananahimik? Ano nga ba ang problema niya?


Maging ang mga dati niyang kaibigan tulad ni Richard Gomez ay nagtataka sa mga pinaggagagawa ngayon ni Anjo. At bakit hindi siya magawang awatin ng kapatid niyang si Jomari Yllana? Sino ang puwedeng tumulong sa kanya?



Nag-walkout nang lapitan ng ex-mister…

JANICE, ‘DI PA RIN MA-TAKE NA MAKA-FACE-TO-FACE SI JOHN



TEKA NGA - JANICE, ‘DI PA RIN MA-TAKE NA MAKA-FACE-TO-FACE SI JOHN_IG _super_janice & _johnestrada


Naging usap-usapan sa showbiz circle ang ginawang pag-walkout ni Janice de Belen sa isang event kung saan dumalo rin ang ex-husband niyang si John Estrada.


Halatang iniwasan daw ni Janice si John nang lapitan siya nito kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap.


It seems hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay at walang closure na naganap. Masyadong malalim ang issue o dahilan ng kanilang paghihiwalay kaya hanggang ngayon ay hindi pa mapatawad ni Janice si John Estrada.


Ganunpaman, hindi naman pinigilan o pinagbabawalan ng aktres ang mga anak na makipag-bonding sa kanilang ama. Hindi niya inilayo ang loob ng mga anak kay John dahil karapatan nila ang makilala ito. Labas ang kanilang personal na issue sa naging problema nila noon.


Bilang isang Scorpio, kilala ng kanyang mga kaibigan ang ugali ni Janice de Belen, todo siyang magmahal pero matindi ring magalit kapag nasaktan sa larangan ng pag-ibig. 

At may hangganan din kay Janice de Belen ang pagtitiis.


Sa tagal ng kanilang paghihiwalay ni John, hindi pa niya ito ganap na mapatawad. At hindi rin mapipilit si Janice ng kanyang mga anak kung ayaw pa niyang makipag-ayos sa kanyang ex-husband. 


Panahon na lang ang makapagsasabi kung kailan lalambot ang puso ng aktres.



MAY bagong single na ilalabas ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas. Ito ay ang Haliparot Delulu na ini-release under ABS-CBN label na StarPop. 


Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang 61st birthday sa Nobyembre 11 ang kanyang pagbabalik bilang recording artist.

Ang Haliparot Delulu ay composition ni Roque Santos, under the supervision of Jonathan Manalo. 


Bago rin ang pangalan na gagamitin ni Ai Ai bilang recording artist, AADA na siya ngayon.


Thirty-five years na sa showbiz si Ai Ai, pero kahit nakakakanta naman siya, mas nakilala siya sa comedy. Kaya naman, excited siya sa kanyang pagbabalik at sa pagre-record ng bagong single na Haliparot Delulu, na tungkol sa ghosting at dating.


Well, tungkol kaya ang kantang ito sa mga ex niya o mga dati niyang minahal tulad ni Gerald Sibayan na nanloko raw sa kanya? 

Abangan!




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page