Sen. Robin, next president daw ng ‘Pinas… NETIZENS KAY PANELO: KAWAWANG ‘PINAS!
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 24, 2026

Photo: IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla
SI Sen. Robin Padilla daw ang susunod na presidente ng Pilipinas.
‘Yan ang pahayag ni Atty. Salvador Panelo sa kanyang latest interview.
“‘Pag si Inday Sara (Duterte), ‘di tumakbo for whatever reason, papatakbuhin natin si Robin Padilla S’ya ang susunod na presidente,” mariing sabi ni Atty. Panelo.
Naniniwala ang abogado na malaki ang tsansa na manalo ang aktor-pulitiko bilang pangulo. Remember, si Sen. Robin ang nag-number one sa Senate race noong nakaraang election, at first term pa lang niya.
“Tandaan mo ‘yang si Sen. Robin Padilla. During the survey, tumatakbo lang ang survey n’ya sa number 9, 10, 11. Madaling sabi, nasa bottom line. Marami nga ang nagsasabi, ‘‘Di mananalo ‘yan, ex-convict ‘yan. Artista lang ‘yan, ‘di naman graduate ‘yan.’ Ang ‘di nila alam, graduate ‘to ng Criminology kaya may alam sa batas. Nag-aral ng pagka-pulis, eh,” depensa pa ni Atty. Panelo kay Sen. Robin.
Umalma ang mga netizens sa pahayag ni Atty. Panelo tungkol sa posibilidad ng pagiging presidente ni Sen. Robin sa susunod na election.
“MAAWA TAYO SA PILIPINAS. Lugmok na lugmok na ang bansa natin.”
“Eh, di wow na. Good luck!”
“Gusto ni Panelo because they can manipulate Robin thereafter.”
“Mind conditioning na ba ‘yan para sa Plan A to Z? (laughing emoji). Kawawang Pilipinas ‘pag nagkataon.”
Ganern?!
HUMABA na ang usapin dahil kay Direk Erik Matti matapos niyang i-repost ang Facebook (FB) post ng direktor at cinematographer na si Neil Daza.
Diretsong inamin ni Direk Erik na siya ang tinutukoy online sa post ni Neil.
“So much passion for making films, yet no passion to show up when it comes to labor issues,” post ni Neil.
Pumutak si Direk Erik sa caption ng kanyang IG post para sa kapwa direktor.
Sey ni Direk Erik, “Ikaw na ang tagapaglaban ng industriya, Neil Daza. Ikaw na ang sukatan kung sino ang may malasakit sa pelikula at sa labor.
“Nagreklamo ka. Nagkaroon ng meeting sa Film Academy of the Philippines (FAP). Mabuti. Karapatan mo ‘yan. At ginagalang ko ‘yan. Naka-dalawang meeting na nga kayo. Tatlo dapat, pero sa isa, ‘di naman kayo sumipot.
“Pero ‘di naman mandatory ang attendance ko sa meetings na ‘yan. Nand’yan ang producer namin.
“‘Di ako pumunta. Marami akong ginagawa. ‘Di ibig sabihin nu’n, wala na akong pakialam sa industriya.
“Ang nakakatawa, parang gusto mong sukatin ang pagmamahal ng tao sa pelikula base sa attendance sa meeting. Ganu’n na ba ngayon?”
Alam daw ni Direk Erik na siya ang tinutukoy sa FB post ni Neil dahil galing daw sa FAP mediation si Neil at hinahanap siya, pati si Dondon Monteverde.
Aniya, “‘Wag mo na daanin sa general statement. Alam naman ng lahat sa industriya na gigil ka sa akin.”
Pagpapatuloy ni Direk Erik, “Diretsuhin mo ako, diretso akong tao. Eto, diretsuhin kita. ‘Di ko gusto ang ilaw mo, medyo TV. Dati maganda. Ngayon, ‘di na. ‘Yan, diretso. Sinasabi ko opinyon ko sa ilaw mo, I’m sure, ‘di mo rin gusto mga pelikula ko. Ayos lang.
“Klaruhin ko lang po, ‘di attendance ang sukatan ng malasakit sa industriya. At lalong ‘di ikaw ang magbibigay ng grades kung sino ang may passion at sino ang wala.
“Bawat isa sa atin, may kani-kanyang paraan ng pagtulong sa industriyang ito. Hindi lang ‘yung paraang gusto mo.
“At kung ang batayan mo ng pagmamahal sa pelikula ay kung sino ang present sa meeting, napakababaw naman ng standard na ‘yan.
“May respeto ako sa 'yo dahil sa trabaho mo. Kaya binaitan ko ang post na ‘to. Sana, may respeto ka rin sa akin.
“Tapusin na natin ito sa FAP. ‘Wag mo dalhin sa social media. May reklamo ka na nga sa FAP, may patutsada ka pa sa FB.
“Du’n na natin sa FAP tapusin. Kung manalo ka sa isyu mo, eh, di good. Kung manalo kami, eh, di sorry.”
Sinilip namin ang FB account ni Neil. Wala kaming nakita na post niya bilang sagot sa mga sinabi ni Direk Erik. Baka naman magkakausap na lang sa personal.





Comments