SEN. ROBIN, KINA COCO AT DANIEL GUSTONG IPAMANA ANG PAGIGING BAD BOY
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 23, 2025

Photo: IG _robinhoodpadilla, _supremo_dp, _cocomartin_ph
“Mahal na mahal kita,” ito ang mensahe ng aktor-pulitiko na si Senator Robin Padilla para sa kanyang anak na aktres at may pusong mapagparaya na si Kylie Padilla.
Sa preskon para sa contract signing ni Sen. Robin para sa Viva na ginanap sa mismong office nito sa 6th Floor, Tektite East Tower, Ortigas ay nagbahagi ang aktor ng mensaheng punumpuno ng pagmamahal para sa anak.
Saad ni Sen. Robin, “Mahal na mahal kita, Kylie. Lalo kang maging mas masipag dahil pahirap nang pahirap ang buhay ngayon. Ingatan mo rin ang sarili mo dahil nag-aalala ako ‘pag pumapayat ka. Hindi kasi ako sanay ng payat ‘yung batang ‘yun kasi kasabay ko ‘yun mag-martial arts noong araw at ‘pag nag-eensayo ako.
“Nalulungkot ako kasi isa lang naman ang bahay namin. ‘Pag binuksan n’ya ‘yung bintana, kita ko na s’ya.”
Hirit ng mga reporters, “Isa si Kylie sa pinakaseksi na artista.”
Sagot ni Robin, “Hindi ko s’ya kilalang seksi. Kilala ko s’yang macho.”
Aniya pa, “Matanda na kasi si Kylie at lumaking independent ‘yung bata. Mabuting ina, magaling na ina, masipag. Hindi ko na s’ya masyadong inaalala pa sa ganyang usapin.”
Natanong din si Sen. Robin kung nalaman niya ba na tatlo na ang anak ng dating partner ni Kylie na si Aljur Abrenica.
Sagot ni Sen. Robin, “Wala akong alam d’yan, pero hindi na ‘ko nabibigla d’yan. Sa panahon ngayon, hindi na kabigla-bigla ‘yan.”
Natanong din sa contract signing ni Sen. Robin sa Viva kung ano ang mensahe niya kay Aljur.
Saad ni Sen. Robin, “Good luck. Magsipag ka lalo na ngayon, marami ang anak mo.”
Kuwento pa ni Sen. Robin, “Na-miss ko ‘tong dami ng camera na ‘to. Lagi namang may ganito sa Senate. Pero iba ‘yun. Ito ‘yung gusto ko—entertainment, kaligayahan ng tao. Nasubukan ko na pareho, eh. Buhay-pulitika, buhay-showbiz.”
Natanong din siya, kung papipiliin, ano ang pipiliin niya, showbiz o pulitika?
Sagot ni Robin, “Showbiz. Showbiz kasi nga, masaya dahil ang gusto ng tao, good vibes. Good vibes.”
Tanong ni yours truly, “Papayagan mo bang mag-artista ang apo mong si Alas?”
Sagot ni Sen. Robin, “Mag-aral muna sila. Pinag-aaral ko ng Pinoy martial arts ‘yun. Sana, seryosohin n’ya.”
Humarap si Sen. Robin sa camera at nag-dialogue ng “Anak (Alas), seryosohin mo ‘yun, ‘nak.”
Samantala, naikuwento rin ni Sen. Robin ang tungkol sa SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth) niya.
Aniya habang nakangiti na halatang masaya sa ginawa niya, “May nagsabi sa akin, may P200 million daw pala ang SALN ko. Ang sagot ko, ginawa akong bilyonaryo ni Boss Vic (Del Rosario), pero nu’ng naging senator ako, naging P200M na lang.”
Dagdag pa ni Sen. Robin, “Isang malaking karangalan na maipagpatuloy ang kuwentong sinimulan natin noon. Mas matapang, mas makatotohanan, at siguradong mas malapit sa puso ng ating mga kababayan. Isang malaking pasasalamat sa Viva sa walang hanggang suporta.
“Kay Boss Vic na simula pa noong umpisa ay naniwala sa akin at sa mga ginagampanan kong pelikula. Maraming salamat din kay Boss Vincent at sa buong Viva family sa tiwala at sa oportunidad. Abangan ninyo po ang Badboy 3!”
Well, good luck pa more, Robin Padilla, na minsan isang panahon ay tipong naging adopted pamangkin ni yours truly when he was only 12 years old, dahil pareho kaming nakatira noon sa bahay ng kanyang mentor-discoverer na si Direk Dikong Deo Fajardo, Jr. (RIP).
Yes, may ganern! (smile emoji).
“Happy birthday to the love of my life,” ito ang sinabi ng aktres-TV host na si Shaira Diaz sa kanyang social media post para sa kanyang loving husband na si Edgar Allan ‘EA’ Guzman na nagdiwang ng kaarawan noong November 20.
Sey ni Shaira, “Happy birthday to the love of my life, my partner, my husband. For 12 years, you’ve filled my world with color, comfort, and a kind of love I never knew was possible. Every day, I thank God for blessing me with you, and I promise to spend the rest of our lives making sure your heart is always full and happy.
“Mahal na mahal kita, Baba (tawagan nila ni EA)! @ea_guzman.”
Happy birthday, EA Guzman!
In fairness, super lucky ka sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Shaira Diaz na sobrang mapagmahal.
‘Yun lang, and I thank you.








Comments