top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

SEN. ROBIN AT PAMILYA, SA BRUNEI O MALAYSIA NA TITIRA SA 2028

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 23, 2026



BULGARY - SEN. ROBIN AT PAMILYA, SA BRUNEI O MALAYSIA NA GUSTONG TUMIRA_FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



Mukhang may malinaw nang plano si Sen. Robin Padilla para sa buhay niya kapag natapos ang kanyang termino bilang senador sa 2028—ang mas tutukan ang kanyang pamilya.


Ayon kay Binoe, napagdesisyunan na nila ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez na manirahan sa isang Islamic country upang doon mapalaki ang kanilang mga anak, ayon sa kanilang paniniwala.


“Final na po ‘yun. Napagdesisyunan na namin ‘yan ng asawa ko,” aniya.

Kabilang sa kanilang pinag-iisipang tirahan ang Brunei at Malaysia.


Sey ng senador, “Nakapasyal na kami sa Brunei. Kung ‘di r’yan, baka sa Malaysia.”

Gayunman, tatapusin daw ni Robin ang kanyang kasalukuyang termino, na magtatapos sa 2028. 


Nilinaw din niyang wala na siyang planong kumandidato sa susunod na halalan.

Sa kabila nito, duda ang ilang netizens na tuluyan na niyang tatalikuran ang pulitika.





Proud na nakakasayaw naman…

FYANG, AMINADONG BOBITA



SA halip na ma-offend, hayagang inamin ni Fyang Smith na may mga pagkakataong ‘bobita’ (mabagal maka-gets o walang alam) siya pero mariin niyang itinanggi na wala siyang talento.


Sinabi niya ito nang mag-guest sila ng ka-love team niyang si JM Ibarra sa ikalawang episode ng Gandang Gabi Vice (GGV) noong Linggo, Setyembre 20.


Sa episode, hinamon ni Vice Ganda si Fyang na tumugon sa ilang hindi magandang tweet tungkol sa kanya. Isa rito ang naglalarawan sa kanya gamit ang mga salitang ‘bobita’, ‘talentless’ at ‘magaspang’.


Tanggap ni Fyang ang ‘bobita’ na komento, lalo na raw kapag pagod siya dahil sa kanyang abalang schedule at kakulangan sa tulog.


Aniya, “I think the bobita part, yeah, I know, sometimes I am. I’m not gonna deny it. I’m bobita rin sometimes. Because sometimes, I don’t have tulog, busy sa work.


“But the ‘talentless’, no. I’m not talentless. I can dance.”

Hindi na bago kay Fyang ang makatanggap ng batikos online dahil sa ilan niyang naging pahayag at kilos. 


Noong Hulyo, 2025, kumalat ang isang video clip na nagpapakitang dinidilaan ni Fyang ang kanyang daliri at ipinapahid ito sa mukha ng kanyang kapwa Pinoy Big Brother Gen 11 (PBBG11) housemate na si Dingdong Bahan, na umani ng negatibong reaksiyon mula sa ilang manonood.


Naging usap-usapan din noong Hulyo ang pahayag ni Fyang tungkol sa kanilang batch, matapos kumalat ang isang putol na video kung saan sinabi niyang, “Kahit ilang batch pa ‘yan, walang makakatalo sa batch namin. Hello, Gen 11!”


Dahil sa unang kumalat na clip, may ilang netizens na pumuna sa tila pagyayabang ni Fyang. Gayunman, sa buong video, nilinaw niyang pabiro lamang ang kanyang sinabi at ipinaliwanag na proud siya sa kanilang batch dahil aniya, “very genuine” ang mga naging housemates.


Ipinaliwanag niyang ipinagmamalaki niya ang kanilang batch, pero sinuportahan din niya ang sumunod na edisyon, ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab.





MAY bagong pinagkakaabalahan si Stell Ajero ng SB19 bukod sa kanyang career bilang performer. Isa si Stell sa apat na co-founders ng Driven, isang bagong gym sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City, na nakatuon sa strength training. May coffee spot din ito.


Ayon kay Stell, nagsimula bilang hobby ang kanyang pagwo-workout hanggang sa naging passion niya ito.


“I feel like all my life, I’ve been performing, stepping on the stage, like doing things I like. 

“And I think last year, I found a new love to do which is doing workout. At first, I thought it was just a hobby until it became a passion. And I think it's something that will become a lifelong lifestyle for me,” pahayag ni Stell.


Excited ang isa sa mga King of P-Pop sa kanyang bagong venture at nagpapasalamat sa mga business partners niyang gumagabay sa kanya sa fitness at negosyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page