top of page
BULGARY - ROMMEL, APRUB SA BANAT KAY ANGEL, NA-REAL TALK DAW-FB ROMMEL PADILLA.jpg

Sen. Robin, after sabihang hugas-kamay sa katotohanan… ANGEL, IN-UNFOLLOW NI MARIEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni KyleSheeren Bago (OJT) @Special Article | July 17, 2026



SPECIAL ARTICLE - ANGEL, IN-UNFOLLOW NI MARIEL-IG _therealangellocsin & FB _marieltpadilla

Photo: IG _therealangellocsin & FB _marieltpadilla



Umani ng samu't saring reaksiyon ang umano'y pag-unfollow ni Mariel Padilla kay Angel Locsin sa social media matapos itong mapansin ng mga netizens. 


Naging usap-usapan ito kasunod ng matapang na pahayag ni Angel laban kay Senador Robin Padilla na umaming komunista.


Ani Angel patungkol kay Sen. Robin, "Ang tanong ko lang, nasaan ka nu’ng panahong nire-red-tag ako kahit alam mong hindi totoo? Actually, kasama mo pa nga at ka-chika-han ‘yung mga nangre-red-tag. Naghugas-kamay at pumikit sa katotohanan." 


Lalong umugong ang espekulasyon dahil kilala si Mariel na madalas tawaging "Mare" si Angel sa kanyang mga social media posts, na para sa marami ay sumasalamin sa kanilang malapit na pagkakaibigan. 


Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag sina Mariel at Angel kaugnay sa isyu. 





Si Kim lang ang kasama…

BELA, OUT SA POST NI ANGELICA



USAP-USAPAN ngayon sa social media ang latest appreciation post ni Angelica Panganiban, na napansin ng mga netizens na tila wala rito si Bela Padilla. 


Sa Instagram post nitong Martes, ibinahagi ni Angelica ang mga larawan kasama ang ilan sa kanyang pamilya, malalapit na kaibigan, at mga kasamahan sa industriya, kabilang si Kim Chiu. 


Kalakip nito ang mensahe niyang, "Here's to working out and working in. Showing up not showing off. Laughing louder and living deeper. Cheers to life."


Ngunit imbes na ang mensahe ang pagtuunan ng pansin, maraming netizens ang napansin ang pagkawala ni Bela sa mga larawan. 


Nagbunsod na naman tuloy ito ng espekulasyon na baka friendship over na nga ang "AngBeKi" na sina Angelica, Kim, at Bela.


Matatandaang ilang buwan na ring laman ng usap-usapan ang umano'y lumamig na samahan nina Kim at Bela. Isa sa mga iniuugnay ng ilang netizens ay ang naging panayam ni Bela kung saan nabanggit nito ang personal na desisyon ni Kim sa pagpapa-freeze ng eggs. 


Bagama't ikinabahala ito ng ilan dahil pribadong usapin umano ito, wala namang anumang pahayag mula kina Kim at Bela na nagpapatunay na ito ang naging dahilan ng isyu.


Samantala, may mga netizens ding naniniwalang walang katotohanan ang mga haka-haka. Itinuro nila ang naging guesting ni Bela sa Fast Talk with Boy Abunda, kung saan kusa pa itong nagbahagi ng kuwento tungkol kay Kim kahit hindi ito direktang naitanong.


Sa ngayon, nananatiling espekulasyon lamang ang isyu dahil wala pang inilalabas na opisyal na pahayag sina Angelica, Kim at Bela tungkol sa tunay na estado ng kanilang pagkakaibigan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page