Sen. Loren, may malubhang sakit — SP Win
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | August 28, 2026

Photo: Loren Legarda - FB
Ibinunyag ni Senate President Sherwin Gatchalian na may “serious illness” si Senadora Loren Legarda, dahilan ng paulit-ulit nitong pagpapalawig ng medical leave at hindi pagtanggap ng suweldo habang nagpapagaling.
Ayon kay Gatchalian, apat na beses nang nag-extend ng leave si Legarda mula noong Agosto.
Ang pinakahuling leave nito ay para sa Setyembre 1 hanggang 2, kaya muli na namang naantala ang kanyang pagbabalik sa Senado.
“She's been filing her medical leave. She also has not been receiving her salary,” ani Gatchalian.
Sinabi ng Senate President na personal niyang nalalaman ang kondisyon ni Legarda dahil magkaibigan sila.
“We’re personal friends as well so she's shared that she had a serious illness,” dagdag niya.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na detalye tungkol sa eksaktong karamdaman ni Legarda at kung kailan siya muling makababalik sa trabaho.





Comments