Sen. Kiko, inireto sa dalagang basketball player, Sharon… JINGGOY, TINAWAG NA MAMBABATAS NA MAMBABASTOS
- BULGAR

- 19 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | March 8, 2026

Photo: Senate of the Philippines
Pagkatapos ni QC District 4 Cong. Bong Suntay, si Senator Jinggoy Estrada naman ang umani ng samu’t saring pamba-bash mula sa mga netizens.
Ito’y matapos mag-‘joke’ ang aktor-senador sa Fil-Am basketball player na si Elizabeth
Means sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights tungkol sa naturalization proposal sa ilang atletang kumakatawan sa Pilipinas sa mga internasyonal na paligsahan.
Tinanong ni Sen. Jinggoy si Ms. Means kung meron itong Filipino boyfriend.
“You have a Filipino boyfriend?” tanong ng senador.
Sinagot naman ito ni Elizabeth ng, “Not yet po.”
“Maybe Sen. (Kiko) Pangilinan might want to apply,” pabirong sabi ng senador na agad ding sinundan ng, “Ah, sorry po kay Sharon (Cuneta), hehe.”
Isa sa mga nadismaya at nagpahayag ng kanyang opinyon sa social media ay ang direktor na si Jun Robles Lana at sabi nito, “When will our leaders realize that their casual sexism is a national embarrassment? We didn’t elect you to play Cupid or verbalize your crushes on tax-payer time. Respect the office. Respect women. Or better yet, just do your job.”
Sabi naman ng isang netizen na may handle name na Sergio, “Mambabatas po kelangan namin, hindi mambabastos.”
Agad namang nagbigay ng pahayag si Sen. Jinggoy matapos mag-viral ang paraan ng kanyang pagtatanong kay Ms. Elizabeth Means kung saan pabiro niyang inireto ang kanyang may-asawang kasamahan na si Sen. Kiko Pangilinan.
Ayon kay Sen. Jinggoy, walang malisya ang kanyang pagtatanong dahil inaalam lamang niya kung may plano itong manatili o bumuo ng pamilya sa Pilipinas, habang ang kanyang naging pagrereto kay Sen. Pangilinan ay isa lamang biruan.
“It was simply a friendly banter between Senator Francis Pangilinan and myself. It may not be widely known, but Senator Pangilinan’s wife, Ms. Sharon Cuneta, is a dear friend of mine, and our friendship goes back many years — long before I entered politics,” ani Estrada.
Sa sinabing ito ng aktor-senador, lalong hindi nagustuhan ng mga netizens ang palusot niya dahil mali na nga raw ang pagdyo-joke niya sa babaeng atleta at pagrereto rito sa may-asawang senador, pinaninindigan pa niya ang kanyang ginawa.
MAGKASUNDUNG-MAGKASUNDO na si Paolo Contis at ang pamilya ng dati niyang misis na si Lian Paz.
May dalawang anak na babae si Paolo kay Lian, sina Xonia at Xalene. Kamakailan ay nag-celebrate ng kaarawan ang dalawa niyang anak at ipinasilip niya ang selebrasyon sa kanyang social media account.
Bumisita ang pamilya sa Cebu Safari & Adventure Park at sinubukan ang mga aktibidad doon. Naroon din si Lian, ang asawa nitong si John Cabahug, at ang anak nilang si Nina.
Ani Paolo sa caption, “Kaarawan Weekend nina Xonia at Xalene... Salamat, Panginoon!”
Sa isa pang Instagram (IG) Story, ibinahagi niya ang group photo kung saan naka-pose ang mga miyembro ng pamilya sa gitna ng isang matayog na atraksiyon para sa isang higanteng swing.
Kasabay ng larawan, isinulat ni Paolo ang mensahe na kumikilala sa pagsisikap ni John na makuhanan ang sandaling ‘yun, “Salamat sa pic, Daddy @johncabahug87. Tapang ni Xalene!”
Wow! Makikita talagang super happy ang aktor sa piling ng pamilya ng kanyang ex-wife kasama ang mga anak niya.
Inimbita sa M’cañang…
PBBM AT FL LIZA, MAY B-DAY TREAT KAY KRIS
MAY kumalat na larawan sa social media na nagpapakita na si Kris Aquino ay nasa Malacañang kasama ang first couple sa isang espesyal na pananghalian.
Ito ay inihandog ni First Lady Lisa Araneta-Marcos at Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) para sa kaarawan ng ‘Queen of All Media’ last February 14.
Bihira lang magpakita sa publiko ang TV host-actress kaya maraming nagulat nang makita ang kanyang presensiya. Patuloy siyang humaharap sa mga sakit na siyang nagpalayo sa kanya sa publiko sa loob ng ilang panahon.
Dahil sa kalagayan ng kanyang kalusugan, bihira siyang dumalo sa mga pampublikong pagtitipon kaya naging kapansin-pansin ang kanyang kamakailang lunch meeting.
Ang espesyal na pagtitipon ay inayos ng fashion designer na si Michael Leyva na kilalang malapit na kaibigan nina Kris at ng First Lady. Nauna na niyang pinagsama ang dalawang ginang noong pagdiriwang ng kanyang kaarawan nu’ng Oktubre, 2025. Isa sa iilang pagkakataon na lumabas si Kris kahit naka-isolate dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan.
Habang nanananghalian, sandaling sumama si PBBM sa pagtitipon upang personal na batiin si Kris at magpakuha ng larawan kasama si FL Liza bago ipinagpatuloy ang kanyang iskedyul.
Ayon kay PBBM, may ugnayan ang dalawang pamilya sa pamamagitan ng mga kamag-anak mula sa mga angkan ng Araneta, Sumulong at Cojuangco.
Sa kabila ng masalimuot na kasaysayan sa pulitika ng kanilang mga pamilya, pinagbuklod ng nasabing pagtitipon ang personal na ugnayan sa pagitan ng mga kilalang tao sa pulitika at lipunan.




Comments