SEN. IMEE, SHOCKED NA PUMAYAG GUMANAP NA NINOY SI ISKO
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 22, 2023

Inulan ng tanong si Sen. Imee Marcos tungkol sa bagong pelikula ng mga Marcos na idinirek ni Darryl Yap at game na game namang sumagot ang senadora.
Ayon kay Sen. Imee, sa title pa lang ng pelikula ay nag-away na sila ni Direk Darryl. At labis niyang ikinagulat na tinanggap ni Yorme Isko Moreno ang role bilang Ninoy Aquino sa Martyr or Murderer.
Naging kalaban kasi ng kanyang kapatid na si P-BBM si Yorme Isko noong nakaraang election.
Pero, sabi naman ni Yorme Isko, tapos na ang election at naka-move on na siya. Balik na sa dati ang lahat kaya tumatanggap na siya ngayon ng TV and movie offers.
At wala namang problema kung gumanap siyang Ninoy Aquino. Hindi naman siya itatakwil ng mga Marcos loyalists.





Comments