top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

SEN. CHIZ, NAGPAKA-FASHIONISTA, TINAWAG NA MUKHANG BODYGUARD NI HEART

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 27, 2023



Hindi napikon at sa halip ay sinakyan pa ni Heart Evangelista ang comment ng isang netizen tungkol sa kanyang mister na, “He looks like your bodyguard,” at may kasama pa itong smiley emoji.


Ang sagot ni Heart sa komento ng nasabing netizen, “Well he’s that too,” at sinamahan naman niya ito ng fire burning emoji.


Samantala, hindi naman nakapagpigil ang mga followers ni Heart sa Instagram na sagutin at tawaging rude o bastos ang netizen na nagsabing mukhang ‘bodyguard’ si Sen. Chiz.


In fact, hinamon pa nga nila ito na ipakita ang kanyang hitsura at ‘wag magtago sa likod ng profile picture at private account niya.


Far from being a “bodyguard” ang ipinost ni Heart na photo ng kanyang mister na kumukuha ng mga pictures habang nakasuot ng white t-shirt at denim jeans. Mema lang ang nasabing netizen.


Nakalimutan din ng netizen na banggitin na si Sen. Chiz na rin ang tumatayong photographer at videographer ni Heart habang nasa Paris sila para sa fashion week.


Ang ganda ng mga kuhang larawan ni Sen. Chiz kay Heart, pati na rin ‘yung mga videos.


Maganda rin ang inilagay na caption ni Heart sa post niya kay Sen. Chiz na: “Told you it was the NEW ERA! Bravo, @escuderochiz!:) Officially welcoming you to fashion week.”


Curious ang mga netizens na malaman ang reaction ni Sen. Chiz sa comment ng nasabing netizen, pati na rin kung ano ang reaction niya sa sinasabi ng mga netizens na sinasabayan na niya ang pagiging “fashionista” ni Heart.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page