SEN. CHIZ, NAGPA-TATTOO NG KILAY MAI-SAVE LANG ANG RELASYON NILA NI HEART
- BULGAR
- Jun 1, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 1, 2023

Pinag-iinitan ang kilay ni Sen. Chiz Escudero ng mga netizens. Ang nakakaloka, pati sa mga serious news item ay tila ginagawang joke ang pagpapa-tattoo ng kilay ng mister ng fashionista at influencer na si Heart Evangelista.
Sa isang news item ng Inquirer.net na naka-post sa Twitter, nandu'n ang picture ni Sen. Chiz at may caption na ganito: "Sen. Francis Escudero RAISED HIS EYEBROWS over the uncertainties in the return on equity that two state-owned banks would be mandated to place in the envisioned Maharlika Investment Fund."
Ang mga komento ng mga netizens sa Twitter, "Raised his eyebrows. Haha! Good work!"
"Napatingin tuloy ako sa eyebrows," at "Raised his newly-microbladed eyebrows."
Agaw-eksena naman talaga kasi ang mga bagong kilay ni Sen. Chiz. And this is something na unlikely para sa isang senador na mabalitang nagpa-tattoo ng mga kilay.
Siyempre, ang itinuturong dahilan ng pagpapa-tattoo ni Sen. Chiz ng kanyang mga kilay ay ang misis nitong si Heart. Eh, kung 'yun ba ang magpapasaya at magpapanatili ng pagsasama ng mag-asawa, huwag na tayong mangialam!
Unless, gumawa ng batas si Sen. Chiz that will require us na magpa-tattoo na rin ng ating mga kilay. Aba, ibang usapan na 'yun!
Comments