Sen. Chiz, lalayasan na… HEART, BIBILI NG BAHAY SA PARIS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 2, 2022

Sa naging pag-uusap nina Heart Evangelista at Tintin Babao, nabanggit ang tungkol sa plano ng misis ni Sen. Chiz Escudero na bumili ng property sa Paris, tutal naman ay madalas ang biyahe niya roon kapag may dinadaluhang fashion event.
Akmang-akma kay Heart ang paninirahan sa Paris, France dahil sa pagiging fashionista niya.
Pero, iba naman ang ipinakahulugan dito ng ilang netizens lalo na't hindi pa rin mamatay-matay ang tsikang may problema ngayon ang pagsasama nila ni Sen. Chiz Escudero.
Baka raw naghahanda na si Heart na layasan na ang 'Pinas at sa Paris na manirahan.
Hindi rin gaanong aktibo si Heart sa kanyang showbiz career. Hindi pa siya tumatanggap ng anumang project sa GMA Network.
Mas malaki kasi ang kanyang kinikita ngayon sa pagpipinta at pag-e-endorse ng mga produkto. At kilalang-kilala na rin siya sa fashion world sa Paris at New York. May movie offers na rin siya para umapir sa ilang Asian movies.





Comments