top of page
Heart Evangelista.jpg

Sen. Chiz, inilaglag ang majority, join sa minority… HEART, TINAWAG NA ASAWA NI HUDAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 5, 2026



BIDA - HEART, TINAWAG NA ASAWA NI HUDAS-IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



Pati si Heart Evangelista, pinasalamatan ng mga netizens sa pagsipot ng asawang si Sen. Chiz Escudero sa Senado noong isang araw. May nag-comment na, “Thank you. I know you’re part of his decisions.” 


May nagbiro naman na puwede nang bumalik si Heart sa pag-attend ng Paris Fashion Week at tuloy ang kanyang mga biyahe.


Pero kung may mga nagpasalamat kay Heart, may mga nagalit din na para bang siya ang may pananagutan sa pagsipot ni Sen. Chiz sa Senado. May nagsabing wala raw siyang paninindigan at tinawag pa siyang “The Wife of Judas” dahil nga inilaglag daw ni Sen. Chiz ang majority bloc sa pag-anib sa minority.


Walang reaksiyon si Heart sa mga hate comments sa kanyang Instagram (IG) at hindi rin siya nagde-delete o nililimitahan ang mga komento. 


Sabagay, hindi ito ang unang pagkakataon na na-bash si Heart dahil sa mga isyung may kinalaman sa Senado. 


Tanong ng mga fans niya, bakit sa IG ni Heart naglalabas ng galit ang iba at hindi sa mismong account ng senador?


Anyway, bukas na ang premiere ng The People Have Spoken sa GMA, 6:15 PM. Hosts sina Heart at Sean Lucas at si Arnel Natividad ang direktor nito. 


Well, sa isang bahagi ng game show, natanong si Heart Evangelista kung sino ang first love niya. 


“Si John Prats,” ang mabilis niyang sagot.



Mister ni Sarah, tinanggal ng BNC…

RAYMOND, PALIT KAY MATTEO BILANG HOST


Pormal na winelkam ng Bilyonaryo News Channel (BNC) si Raymond ‘Mond’ Gutierrez sa Agenda family. Nagsimula na ring mag-host si Mond kasama ang iba pang Agenda hosts na sina Korina Sanchez-Roxas, Willard Cheng, Erika Kristensen-Lee at Pinky Webb.


Pahayag ng BNC, “WELCOME TO THE AGENDA FAMILY, RAYMOND. Showbiz royalty Raymond Gutierrez joins the Agenda family as guest anchor, bringing his signature take on entertainment, lifestyle, and pop culture.


“Catch him alongside Korina Sanchez-Roxas, Pinky Webb, Willard Cheng, and Erika Kristensen-Lee as they deliver the stories that matter.”


Sa kanyang Instagram (IG), ipinost ni Mond ang reels sa una niyang paglabas sa Agenda, “Back on live TV and back to my hosting roots. Thank you for the warm welcome @bnc.ph.”


Marami ang nagpaabot ng congratulations kay Mond kabilang ang twin niyang si Richard Gutierrez at ang partner niyang si Rob William na nag-comment ng “Handsome.”

Ang paniwala ng marami, si Mond ang kapalit ni Matteo Guidicelli sa Agenda, ngunit tila iba ang hawak na segment ni Matteo noon kumpara sa ire-report ni Mond na nakatuon sa entertainment, lifestyle at pop culture. 


Nakasaad din na guest anchor ito, kaya nangangahulugang wala na si Matteo Guidicelli sa programa ng BNC.





TOTOO ba ito, balik-Kapamilya raw si Carmina Villarroel dahil kasama siya sa cast ng suspense series nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez na The Loyalty Game (TLG)?

Hindi pa malinaw kung tuluyan na ba siyang lilipat o isang proyekto lamang ito sa Kapamilya Channel.


Matagal din si Carmina sa GMA-7, ngunit galing siya sa ABS-CBN kaya muling nabuhay ang usapin ng kanyang pagbabalik-Kapamilya.


Nabalita ring gagawin niya sa GMA-7 ang A Mother’s Tale (AMT), ngunit dahil sa bagong project sa Kapamilya Channel, napunta raw ito sa ibang aktres.


Maiiwan sa GMA-7 ang anak niyang si Cassy Legaspi dahil may series itong Hating Kapatid (HK), kasama si Marian Rivera. 


Wala ring kumpirmasyon kung susunod sa kanya ang mister na si Zoren at anak na si Mavy Legaspi.


Well, masaya ang mga Kapamilya fans sa posibleng pagbabalik ni Carmina at umaasa silang susunod din ang buong Legaspi family. 


Abangan na lang kung matutupad ang wish na ito ng mga fans.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page