top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

SEN. BONG, NABUKING ANG PANG-AABUSO NG EP NG SHOW SA MGA TALENTS, SINABON

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 11, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 11, 2023



Walang alam si Senator Bong Revilla, Jr. na inaabot nang mahigit 24 oras ang working hours ng mga talents sa TV series niyang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na umere noong Hunyo 4 at nagtapos nu'ng Agosto 20.


Kilalang malapit ang puso ng senador sa mga nagtatrabaho sa pelikula at programa sa telebisyon kaya nga siya umapela sa Office of the President na kung sakaling magsumite ng Motion for Reconsideration ang It’s Showtime ay pagbigyan dahil kawawa ang mga nagtatrabaho sa programa na arawan ang kita kapag natuloy ang 12-day suspension na ipinataw ng MTRCB.


Pero base sa inilabas na official statement ng Kapamilya Network ay hindi na sila umapela sa OP bagkus ay naghanda na sila ng programang pansamantalang kapalit ng It’s Showtime, ang It’s Your Lucky Day na pangungunahan nina Luis Manzano, Robi Domingo at Melai Cantiveros with Long Mejia. Kasama rin dito sina Andrea Brillantes, Francine Diaz at Seth Fedelin.


Going back to Senador Bong, kung hindi pa siya tinawagan ng kasamahang Jobert Sucaldito para ipaalam na ang alaga niyang nag-talent sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay inabot nang 26 oras at P500 lang ang natanggap na bayad, ay wala pa siyang kaalam-alam.


Ikinuwento ito ni Jobert sa YouTube channel nila ni Direk Chaps Manansala na in-upload nitong Lunes nang gabi.


“I’ll just speak my two cents ‘no, because I refer these some incidents just a few months ago to Senator Bong, he’s a lawmaker, parang kapatid ko ‘yan, pero gusto kong ipaalala rin sa kanya ang dalawang instances.


“Una, last two or three months ago, may teleserye siya (ang) Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, siya po ang bida roon. Ngayon, mayroon akong isang anak-anakan dati na tinulung-tulungan ko.


“Sabi niya, ‘Tito, may taping kami para sa (show).’ Sabi ko 'Talaga? Wow, congratulations! Two o’clock daw nang madaling-araw ang pullout nila sa Manila, tapos ibibiyahe sila sa Angeles, Pampanga kasi doon ang taping.


“Tapos the day after, after 6 AM umalis, wala pa the following day ng 6 AM din. Nagtataka ako, ‘yung bata, wala pa sa bahay, tapos tinawagan ko, sabi ko 'Asan ka?' ‘Tito, katatapos lang naming mag-taping. Kaka-pack-up lang.’


“Mukhang masaya siya. Siyempre, alam mo na ang mga bata, mga extra, kahit abutin pa sila ng ilang oras makita lang sa camera ang mukha nila, masaya na sila. So, ako naman, ‘How much did you get paid for?’ Magkano ang ibinayad sa inyo to work for 26 hours? Sabi niya, ‘Tito, five hundred!’


“I was so hurt in behalf of theses extras. I immediately texted Bong, 'Papa Bong, good morning (6 AM), you know, you’re a lawmaker at saka this is your show and I hope you’re aware na itong mga batang ito ay pinagtrabaho nang 26 hours diretso, mabuti kayo, mga big stars kayo, itong mga extras, alam mo namang labag sa batas ito (more than 16 hours work).


I hope you do something about this kasi ang mga taong ito, hindi mga robot. What happens kapag nagkasakit sila? They’re not even insured?


“After that, tumatawag sa akin si Bong, ‘Kuya, I know that. Pinagalitan ko ‘yung mga EPs (executive producers) kasi hindi tama ito. You don’t make people na hindi mo na dapat pinapa-overworked. Dapat may cut-off ‘yan,” mahabang kuwento ni Jobert.

At saka binalikan din ng co-host ni Direk Chaps ang nangyari during the pandemic na nagkaroon din ng problema ang mga minors na kailangan kasama ang guardians at may kontrata pa na hanggang 16 hours pero may overtime dapat.


“In fairness kay Senator Bong, nagalit siya sa mga tao at sincere naman 'yung concern niya kasi kahit show niya ‘yun, hindi siya pumayag. He demanded na kung kailangang mag-extend ng another day para hindi na-abuse ‘yung mga tao, gawin ninyo.


“Alam mo naman kasi ang ibang executive producers sa production, nagpapakitang-gilas sa may-ari ng istasyon na nakatipid sila, the nerve five hundred pesos (ibinayad)?” sambit pa ni Jobert.


Posibleng hindi rin daw alam ng may-ari ng network na ganu’n ang nangyari at itong mga EPs ay nagyayabang na malaki ang natipid.


Oo nga, narinig na rin namin na kapag ganito katipid ang EP ay muling kinukuha ng network ang serbisyo niya na hindi alam ay mga talents ang nagdurusa sa liit ng talent fees na nakukuha.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page