top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Sen. Bato, pinoprotektahan daw, Mariel… NETIZENS KAY SEN. ROBIN: MAG-RESIGN KA NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 20, 2026



Robin Padilla - Senate PH

Photo: Robin Padilla - Senate PH



Naba-bash si Mariel Rodriguez dahil sa pagtatanggol sa kanyang mister na si Sen. Robin Padilla. 


Hindi naman kasi masisi ang mga netizens dahil valid din ang frustrations ng maraming Pilipino. 


Public official si Robin kaya natural lang na kuwestiyunin ng taumbayan ang performance, qualifications at mga pahayag niya, lalo na’t pera ng taxpayers ang involved.


Hindi personal na pamba-bash agad ang criticism. Parte ‘yan ng accountability. Kapag senador ka, expected na handa kang tumanggap ng puna mula sa publiko.

At the end of the day, mas gusto lang naman ng mga tao ng mga lider na may malinaw na plano, mahusay magsalita tungkol sa batas at edukasyon, at kayang unahin ang kapakanan ng bansa kaysa drama sa pulitika.


Ani Mariel, “Kung kapalit ng pagseserbisyo ay puno ng panlalait, then you don’t deserve him.”


Sey naman ng mga netizens…


“Sana, pabayaan na n’ya ‘yan. Tulong nang tulong, s’ya ang napapasama sa tao. Mariel, sabihan mo si Robin, tigilan na n’ya ang pagtulong, s’ya na napapasama sa ginagawa n’ya.”


“Hahaha! S’ya ang may gawa n’yan kaya s’ya nilalait. Masyado s’yang pabida.”

“Mabait nga kaya nga pinatakas si Bato, ‘di ba? Mabait na Hudas.”


“‘Di ‘yan mawawala sa Senado, Ma’am Mariel. Mabait talaga ang asawa mo, sa totoo. Nakita ko na ‘yan si Robin in person. Bad boy man sa movie, pure heart talaga s’yang tao. ‘Yan talaga si Robin na may silbi sa lipunan, walang kokontra sa opinion ko. Love namin ‘yan noon pa.”


“What he did is not good for the country. Helping a fugitive? Kindness is not involved. Intelligent decisions are now to be enforced. And I think he is not intelligent. If he was, he should not protect Bato but instead pave the way, so he can escape. Intelligent ba ‘yung step na ‘yun?”

“Can’t believe he was voted No. 1.”


“Buti pa ‘yung bata, umaamin sa kasalanan. Parang bata ang kausap ni Mel Tiangco. Mariel, ipa-enroll mo muna sa kinder si Robin, ha?”


“Tunay na may malasakit sa taumbayan si idol Robin, handang tumulong sa lahat ng oras. Wala s’yang bahid na kurakot. Tunay s’yang leader. Mabuhay ka, idol. Sana, pamarisan ka pa ng ibang leader.”


“In your eyes, wifey, he’s good, but in the eyes of Filipino people, he’s not because he’s harboring a criminal. So now, how can you explain that?”


“Si Robin lang ang may lakas ng loob sumagot o usisain ang anumang dapat makakabuti sa taumbayan. Ipinaglalaban n’ya.”


“Tama man ang kay Sen. Robin na ‘di dapat hayaan na masira ang tingin ng taong bayan sa kanila, ginagawa lang ni Robin kung ano ang makakabuti sa ating mamamayang Pilipino.”


“‘Wag mong intindihin, Ma’am Mariel, ang mga batikos dahil laking tulong si Sen. Robin sa ating bansa. Marami nang naipasang batas at siya ang kauna-unahang artistang lumaban at may naligtas sa giyera noon. Mahal si Sen. Robin ng taga-Mindanao, Ma’am. Maganda ang pinanggalingan n’yang pamilya. ‘Di lang sila mayabang kaya ‘di alam ang mga natapos nilang kurso.


“Robin Padilla, consider resigning from your current position and leave politics and stay as an actor!”





NAG-SHARE si Enrique Gil tungkol sa kanyang personal na buhay at posibilidad ng muling pag-ibig sa isang emosyonal na one-on-one interview kay Karen Davila.

Aminado si Enrique na malaki ang naging epekto sa kanya noon ng pandemya dahil doon niya mas napahalagahan ang oras kasama ang pamilya, lalo na ang kanyang ina. 


Ibinahagi niyang simula nang pumanaw ang kanyang ama, naging sobrang malapit sila ng kanyang mommy dahil ito na rin ang tumayong ama para sa kanya.

Kuwento pa ng aktor, halos buong kabataan niya ay inialay niya sa showbiz kaya nang biglang tumigil ang mundo dahil sa pandemya, doon niya nakita ang maraming bagay na matagal niyang hindi napapansin tulad ng pagtanda ng kanyang ina at paglaki ng kanyang mga kapatid.


Ayon kay Enrique, dumating siya sa puntong sobrang napagod siya matapos ang halos tuluy-tuloy na trabaho mula edad 15 hanggang 30. Kaya, pinili niyang umatras muna sa telebisyon at pelikula upang magpahinga at hanapin muli ang kanyang sarili at inspirasyon.


Sa usapin ng pag-ibig, inamin ng aktor na hindi rin madali ang mag-isa. Bagama’t hindi niya direktang kinumpirma kung handa na siyang magmahal muli, naging makahulugan ang kanyang pahayag na, “Mahirap ring mag-isa.”


Marami tuloy sa mga fans ang umaasang bukas na muli ang puso ng aktor matapos ang matagal na relasyon nila noon ni Liza Soberano.


Ngayon, unti-unti nang bumabalik si Enrique sa industriya at tila mas malinaw na rin sa kanya kung ano ang gusto niyang tahakin, hindi lamang bilang artista kundi bilang anak, kapatid, at taong mas pinapahalagahan na ang balanse ng buhay.


May serye si Enrique sa TV5 katambal si Andrea Brillantes, ang A Secret In Prague (ASIP) na kasalukuyang napapanood.


May nagpu-push na ligawan daw niya ang aktres, pero tingin naman daw ng mga nasa paligid ni Enrique ay wala itong balak dahil parang bunsong kapatid raw ang turing niya kay Andrea Brillantes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page