Sen. “Bato”, nadale ng COVID-19, wehh!?

ni Ka Ambo - @Bistado | November 22, 2020
Tinamaan ng COVID-19 si Sen. “Bato” dela Rosa.
Huh, kahit natutulog lang siya maghapon?
◘◘◘
Ayon kay Senate president “Tito” Sotto, dalawang senador na ang nabakunahan ng anti-COVID-19 vaccine.
Sabi ko nga sa inyo: Mauuna ang mayayaman, eh!
◘◘◘
Gumagrabe ang COVID-19 sa Davao.
Huh, delikado si P-Digong!
◘◘◘
Nakarekober na raw ang ekonomiya.
‘Yan ay ayon mismo rin sa mayayaman!
◘◘◘
Sa panahon ng krisis, ang mayayaman ay lalong yayaman.
Ang mahirap sa panahon ng pandemic ay lalong magdarahop!
◘◘◘
Wala ba kayong napapansin?
Kaliwa’t kanan ang “nanlalaban”?
◘◘◘
Ano ang senaryo ng bansa sa huling 18 buwan ng Duterte Administration?
Masaya o malagim?
◘◘◘
Matatapos na ang pandemic sa kalahatian ng 2021.
Ang problema, ang magsisimula naman ang resbak ng Biden Administration sa ‘Pinas sa panahon din ‘yan!
◘◘◘
Para makalmante ang mga Pinoy, kailangan maareglo ni P-Digong ang Democrats sa Washington.
Hindi na puwedeng murahin ngayon ni P-Digong si Biden.
Sige, subukan niya!
◘◘◘
May bagong logo ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
Imbes na line-drawing ng ulo ng agila, papalitan ito ng mabruskong all-body shot ng isang agila.
Kumbaga, isang agila na bagong-turok ng bakuna!
◘◘◘
Ngayon lang ako nakaranas ng “isang buong taon” na maraming personal kong kakilala ang namatay” at marami pa ring personal na kakilala na “nakaratay”.
Hanggang kailan?





Comments