Sekyu utas sa riding-in-tandem

ni Levi GOnzales @News | October 12, 2026

Photo: File
Patay ang isang 49-anyos na guwardiya matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang binabagtas ang Maharlika Highway sa Brgy. Lagalag, Tiaong, Quezon.
Kinilala ang biktima na si alyas Bok, ng nasabing barangay.
Alas-5:20 ng hapon, patungo sana sa kanyang pinagtatrabahuhan ang biktima nang dumating ang mga suspek at ilang ulit siyang pinaputukan saka nagsitakas.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek.





Comments