top of page
Search
  • BULGAR

Seksing opisyal ng gobyerno na nabuntis kuno ng pamilyadong aktor...

Totoong nabuntis pero ng ibang lalaki

ni Chit Luna - @Yari Ka! | February 2, 2021


Halos magwala ang esmi ng sikat na aktor na kilala sa maaksiyong pelikula makaraang sumambulat ang isyu hinggil sa nabuntis umano ng mister niya ang babaeng presidential appointee.


Subalit lingid sa kaalaman ng marami ang dalawang bagay. Una, wala na palang laman ang sinapupunan ng lady presidential appointee. At higit sa lahat, hindi ang aktor ang ama kundi ang batambata nitong jowa.


Palibhasa’y may edad na, naging maselan ang kanyang pagdadalantao kaya naging komplikado ang pagbubuntis nito na naging dahilan ng miscarriage.


Makaraang makapagpahinga mula sa pagkalaglag ng sanggol, agad siyang lumutang upang linisin ang pangalan ng aktor.


Nag-post siya ng picture habang naka-sports bra at leggings na lutang ang tiyan.


Truly na flat ito at mukhang walang lumalaking baby—dahil wala na!


Pero dahil duda ang marami, hamon ngayon ng kanyang mga social media stalkers na mag-live ito sa kanyang social media accounts para patunayang walang nangyari sa kanila ng mister ng kapwa aktres.


Bilang opisyal ng gobyerno, dapat ay may ‘Code of Ethical Conduct’ siyang sinusunod.


Sa maiksing kuwentuhan sa isang kapwa peryodista, sinabi nitong dumalang talaga ang pagpasok sa opisina ng nasabing opisyal na madalas binibisita ng kanyang jowa na nasa early 20’s lang!


Well, busog na busog din aniya sa kapritso ang boylet nito. ‘Kalokah, ang dating sexy star ay isa na palang ‘sugar mommy’ ngayon. Sino ka d’yan, ‘teh?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page