top of page

Segurista… JINGGOY, ATRAS MAGPABAKUNA KONTRA COVID

  • BULGAR
  • Apr 12, 2021
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 12, 2021




On the road to recovery na raw ang dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada na tinamaan ng COVID-19 nitong nakaraang linggo, ayon sa panganay niyang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada.


Bukod pala kay Erap, nag-positive rin sa COVID-19 ang asawa ni Sen. Jinggoy na si Precy Ejercito at iyak daw ito nang iyak nu’ng malaman ang resulta ng swab test.


Naniniwala ang pamilya ni Jinggoy na dininig ng Diyos ang kanilang dasal dahil noong magpa-swab uli si Precy kinabukasan ay negative na ang resulta, at okay na raw ngayon ang kalagayan ng kanyang asawa.


Ayon pa kay Jinggoy, “Okay naman. Nag-positive siya nu’ng Monday, iyak nang iyak. Hindi niya alam kung kanino niya nakuha. Siya ang pinakamaingat, eh. Sabi ko, magpa-reswab na lang siya. Kinabukasan nagpa-reswab siya, negative naman.”


Kaya naman sa pagbabakuna nakasalalay ang kondisyon ng karamihan para safe. Pero sa tanong kung ipapagamit din ba niya ang Ivermectin, isang kontrobersiyal na gamot na panlaban daw sa COVID-19 sakaling nagkakaubusan na ng mga mamahaling vaccines gaya ng AztraZeneca, still, naghahanap pa rin si Jinggoy ng kasagutan kung kakagatin nito ang nasabing gamot na ang compassionate use permit ay pinayagan na ng ating FDA.


At bagama’t sinabi na ni dating Senator Juan Ponce Enrile na ang Ivermectin daw ang nagpagaling sa kanya, hindi naniniwala rito si Jinggoy.


Sa tanong naman kung sakaling turukan ng Ivermectin si Erap, aniya, “Alam mo, kinausap ko ‘yung doktor. Sabi niya sa akin, ‘Huwag na huwag mong gagamitan ng Ivermectin ‘yung daddy mo. Para lang sa mga hayop ‘yan. Your dad is not a dog.’

“Siyempre, mas maniniwala ako ru’n sa dalubhasa,” aniya.


Siya rin daw ay ayaw munang magpabakuna sa ngayon. Pinag-aaralan pa raw niya kung alin ang pinaka-effective.


“Siyempre, tinitingnan natin kung ano ‘yung pinaka-effective para sa ating pamilya. Kaya hindi pa muna ako nagpapabakuna.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page