May ibang babae na raw… LEA, UMAMING HIWALAY NA SILA NG MISTER
- BULGAR

- 59 minutes ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | January 23, 2026

Photo: FB Lea Salonga
Kinumpirma na ng aktres-singer na si Lea Salonga na hiwalay na sila ng asawang si Robert Chien.
Pagbubulgar niya sa isang panayam, “Yes, we’re separated.”
Shocked ang ilang press na nakadaupang-palad ng Broadway actress-singer sa kanyang rebelasyon nang sabihin niyang hiwalay na sila ng asawang si Robert, isang American businessman of Chinese-Japanese descent.
Napunta ang usapan sa hiwalayan nang ang topic ay tungkol sa nag-iisa nilang anak, ang trans actor na si Nic Chien.
Ayon kay Lea, maraming nakukuhang suporta si Nic mula sa mga nagmamahal sa kanya sa kabila ng pagiging ‘super busy’ nilang mag-asawa.
Aniya, “He [Nic] has so much support… We’re both super busy but, thankfully, the dad and dad’s partner are the ones kind of ‘‘Pag may sipon ka, it’s here, let’s send you food. Let’s make sure that you’re well.’”
Dahil nabanggit niya ang ‘dad’s partner’, si Lea na mismo ang nagsabing, “Yes… So, yes, it’s not a secret. I am… yeah, we’ve been separated for a while.”
Hindi na niya hinintay pang tanungin siya ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Dagdag pa ni Lea, “And now he’s happy and I am happy that he’s happy.”
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Lea tungkol sa sanhi ng paghihiwalay nila ni Robert at kung kailan ito naganap.
Sina Lea Salonga at Robert Chien ay ikinasal sa Cathedral of Our Lady of Angels, Los Angeles, California, noong January 10, 2007.
Perfect wife raw talaga…
PAGKAIN AT DAMIT, NAIHANDA NA NI JULIA PAG-UWI NI COCO
IBINIDA ni Coco Martin kung paano siya alagaan ng kanyang long-time partner na si Julia Montes.
May nagsasabing secretly married na ang celebrity couple kaya ang nakasulat sa caption ay: “Napakabuting asawa ni Ms. Julia kaya love na love ni Coco.”
Pagbabahagi ni Tanggol (karakter ni Coco sa Batang Quiapo), “Pagdating ko sa bahay, lahat naka-prepare na. S’ya ang magluluto. Alam n’ya kung ano ang mga paborito kong pagkain. Lahat ng damit ko, s’ya ang nag-aayos.”
Puring-puri talaga ni Coco si Julia dahil lahat ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa aktres na.
Ani ng mga netizens:
“Kasal na sila, secret.”
“‘Yan ang asawa.”
“Coco and Julia, perfect couple.”
“Kaya dapat pakasalan na n’ya ito, ang tagal na nila.”
“Sana, kayo ang tularan ng ibang couple.”
“Wow, galing, maalaga talaga si Miss Julia sa asawa.”
“Sana forever na kayo.”
“You’re very lucky, Coco, to have Julia in your life.”
“Very sweet si Julia, perfect wife.”








Comments