Ex mo, Kathryn, tagabitbit ng bag ng dyowa… DANIEL AT KAILA, GALAWANG PANG-MAG-ASAWA NA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 23, 2026

Photo: FB Niel Ford
Hindi na lang ang paglalagay ng sunscreen ni Daniel Padilla sa girlfriend na si Kaila Estrada ang tatatak sa mga fans nang sila ay nagbakasyon sa El Nido, Palawan. Isa pang magmamarka sa KaiNiel fans ay ang larawan ni Daniel na bitbit ang tote bag ni Kaila.
Actually, parang tote bag na rin ni DJ ang dala nito dahil madalas na siya ang may bitbit at sabi ng mga fans, share sila sa naturang bag.
Ibig sabihin, may mga gamit din si Daniel na nakalagay sa bag ni Kaila, kaya mas tamang sabihin na tote bag nila iyon at hindi lang kay Kaila.
May reels video nga na after kumain ng dalawa, iniabot ni Kaila ang tote bag kay Daniel na agad namang kinuha ng aktor.
May isa pang bag ang aktres at nabigatan siguro kaya ibinigay sa dyowa.
Kinikilig ang mga fans sa thought na share ng tote bag sina Daniel Padilla at Kaila Estrada. Galawang pang-mag-asawa na raw ang dalawa at patunay na malalim na ang kanilang relasyon.
Nag-meet na nga ang parents nila with their respective families, pati ang kani-kanilang circle of friends na pinag-meet na rin ng dalawa para magkakilala na.
Ibinuking ni Ruffa…
B-DAY DINNER NINA RICHARD AT RAYMOND, SI BARBIE ANG NAG-ORGANIZE
SI Ruffa Gutierrez ang nagtsika na ang girlfriend ni Richard Gutierrez na si Barbie Imperial ang nag-organize ng birthday dinner for Richard and twin Mond Gutierrez.
Aniya, “A surprise, intimate birthday dinner at The Peninsula Manila, lovingly organized by Barbie for Chard & Mond.
“Blurry photos, but some moments are meant to be lived, not photographed.
“Happy birthday to my handsome twin brothers! Wishing you success, love, and good health this year and always. We love you!”
Present sina Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, kids ni Richard, at some close friends of the family.
Sa Spices ng Manila Pen ginanap noong January 21 ang 42nd birthday dinner for Richard and Mond.








Comments