'Secret warrant' ng ICC, ibinulgar nu'ng Nov. 2025 — Bato... Boying, salamat, na-enjoy ko ang pagtatago
- BULGAR

- 8 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 13, 2026

Photo: Ronald Bato Dela Rosa at Boying Remulla - FB
Nagpaabot ng pasasalamat si Senator Ronald “Bato” dela Rosa kay Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla sa pagbibigay umano nito ng "advance info" patungkol sa arrest warrant na balak ihain sa kanya.
Ani Dela Rosa, nakapagpahinga raw siya ng 6 na buwan at "nakapag-bible study nang husto" dahil dito.
Matatandaang ibinunyag ni Remulla na may kopya siya ng umano’y warrant of arrest laban kay Dela Rosa, na sinasabing inilabas ng International Criminal Court (ICC).
Gayunman, nilinaw ni Remulla na hindi ito opisyal na dokumento at wala pang kumpirmasyon mula sa ICC.
Kaugnay nito, kinumpirma rin sa ICC Office of the Prosecutor, na inisyu nga ang naturang warrant noong Nobyembre 6, 2025 at inilabas ito bilang confidential o “sealed warrant.”
“Mr. Dela Rosa’s warrant of arrest is an important step in the Office's ongoing pursuit of accountability for alleged crimes committed in the context of the so called war on drugs campaign in the Philippines,” saad ng ICC.
Sa naging pahayag naman ni Dela Rosa, sinabi nitong gagawin nila ang lahat ng legal na hakbang upang pigilan ang kanyang pagkakaaresto.
Muli rin niyang kinuwestiyon ang hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas matapos umatras ang bansa sa Rome Statute noong 2019.





Comments