top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Secret Service, panalo sa 3-YO Maiden Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 8, 2023


Nalugmok ang mga liyamadistang karerista matapos manalo ni Secret Service sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, Sabado ng hapon.


Nanaig si Secret Service ng dehado, sinakyan ito ni jockey Jonathan Flores at tinalo ang mga bumenta sa takilya at mga liyamadong Family Affair at Kanyon For Freedom.


Pumuwesto sa tersero sa largahan si Secret Service at habang pumapasok sa far turn ay lumalapit na ito sa unahan kaya naman pagdating ng rektahan ay nagsisigawan na ang mga dehadista dahil kita na nila ang panalo ng kanilang kabayong tinayaan.


Dahil sa laki ng agwat ng lamang ay hindi na naabutan si Secret Service ng kanyang mga katunggali sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nanalo si Secret Service ng may walong kabayong agwat sa pumangalawang si Family Affair, tersero si Kanyon For Freedom at pumang-apat si Mendel Bell.


Inirehistro ni Secret Service ang 1:27.4 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si AK Castro ang P20,000 added prize.


Samantala, inihahanda na rin si Secret Service sa susunod niyang sasalihang karera kaya tiyak na aabangan ito ng mga karerista.


May 10 karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kahapon ng Linggo kaya paniguradong nasiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page