Sec. Ralph, nagsalita na… VILMA, GOV.; LUIS, VICE-GOV. O MAYOR; RYAN CHRISTIAN, CONG. SA

ni Ambet Nabus @Let's See | June 13, 2024

Gusto naming personal na magpasalamat kay Department of Finance Secretary Ralph Recto sa pag-accommodate niya sa bagong bihis na MMPRESS (Multi-Media Press Society of the Philippines) bilang aming inducting officer.
Ang inyong lingkod ang bagong pangulo ng samahan at naganap nga ang aming panunumpa sa session hall ng naturang pangasiwaan, kung saan nagkaroon din kami ng pagkakataon na maka-chika ang sekretarya ng Kagawaran ng Pananalapi.
Ayon pa kay Sec. Ralph, malamang nga raw na sa susunod na eleksiyon ay magkasama-sama ang pamilya Recto sa mga lugar sa Batangas bilang governor, vice-governor o mayor at congressman, referring to Ate Vi, Luis Manzano at Ryan Christian Recto.
“Our constituents are the ones asking for it and humbly speaking, kilala na naman nila ang maganda, maayos at disenteng track record namin sa pulitika,” sey pa ni Sec. Recto.
Nabanggit din ni Sec. Recto na posible ngang makagawa pa ng movie si Ate Vi this year.
“Marami na s’yang binasa at binabasa pa, marami rin ang nagpi-pitch pa. Pero nabanggit na n’yang meron na s’yang natitipuhang gawin, so I believe, gagawin n’ya,” hirit pa nito.
By the way, ang mga bagong opisyal ng MMPRESS (Film, TV, Social Media, Sports, atbp.) na nanumpa sa opisina ni Sec. Ralph Recto ay ang mga sumusunod: President - Ambet Nabus, Vice-President - Rose Garcia, Secretary - Joseph Gonzales, Asst. Secretary - Diego Dequino, Treasurer - Lito Mañago, Auditor - Glenn Regondola at Chairman of the Board Jun Nardo, with Noel Ferrer as Adviser.
Ang mga bagong members naman ay sina Leah Salterio, Lendl Fabella, Jimpy Anarcon, Romina Austria, Jeff “Mr. Fu” Espiritu, Arniel Serato at sina Ate Nora Calderon at Nitz Miralles.
Mabuhay po sa ating lahat at abangan ang mga susunod na proyekto, adbokasiya at programa ng MMPRESS.
PINAG-UUSAPAN naman ang pag-un-follow nina Liza Soberano at Julia Barretto kay Kathryn Bernardo at ang pagkawala ni Sofia Andres sa friend’s list ng IG account ni Julia.
One plus one lang ang sinasabing formula rito. Magkaibigang matalik sina Sofia at Kathryn, so given na kapag in-unfriend ‘yung isa, damay na ‘yung isa.
At dahil balitang close naman sina Julia at Liza, one thing leads to another na raw.
Hay, ang showbiz talaga! Pero huwag na huwag daw nating iisiping magkakaaway sila.
Anybody naman daw ay may liberty to choose her-his own friend kaya’t kahit pa magkakasama kayo sa isang industriya o nagkakatrabaho man, hindi rin guarantee na magiging magkakaibigan kayo. ‘Yun lang daw po ‘yun.
Hmmm, kaya?
Natutulog daw sa pansitan…
SEN. LITO, NALUSUTAN SA ILEGAL NA POGO SA PAMPANGA

MAY mga nagtatanong din sa mga nagtatanggol kay Sen. Lito Lapid hinggil sa nadiskubreng mga POGO outlets sa Pampanga, partikular sa lugar na identified kay Sen. Lito, ang Porac.
Idinadawit kasi ang senador na posibleng may kinalaman umano sa ‘existence’ ng mga naturang ilegal na sugalan at iba pa.
Ang datingan daw kasi sa madla ay mukhang naisahan o nakatulog sa pansitan ang senador para makalusot ang mga ganito sa sinasabing balwarte niya?
Sey ng isang netizen, “Siyempre, may mga lider siya ru’n o baka nga may taong sobra rin niyang inaasahan lalo’t kilalang taga-Porac ang angkan nila. Imposible namang kahit isa ay walang nag-tip o nag-report sa kanya ng existence ng mga building doon na ilegal palang nag-o-operate for years now?
"Granting na busy s’ya bilang senador, pero hello, kumbaga, nagaganap ang mga ilegal na gawain sa bakuran mo nang wala man lang nakapagsabi sa 'yo? At ngayong nabuking ito at nali-link ang name mo, bigla kang mananawagan na huwag basta-basta magbintang? Just asking lang po.”
Aguy!





Comments