top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sec. Duque, minsan doktor pero madalas komedyante, he-he-he!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2021
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 24, 2021



HEALTH SEC. DUQUE, PINAGTAWANAN SA SOCIAL MEDIA—Sa totoo lang, daming nag-“haha” reactions sa social media sa sinabi ni Health Sec. Duque na sa social media lang nila nakita ang presyong P3,629.50 ng Sinovac.


Lumalabas na minsan, doktor si Duque, pero madalas ay komedyante, ha-ha-ha!


◘◘◘


DAPAT IPALIWANAG NG MALACAÑANG KUNG ANO ANG TATAK NG BAKUNANG INISMAGEL—Itinanggi ng distributor ng Sinopharm vaccine (made in China rin) na sa kanila galing ang inismagel na bakunang ipinanturok sa ilang miyembro ng Gabinete, mga sundalo ng PSG (Presidential Security Group) at PA (Philippine Army).


Kung hindi Sinopharm, eh, ano kaya ang bakunang inismagel na itinurok sa mga gov’t. officials, PSG at PA soldiers?


‘Yan ang dapat ipaliwanag sa publiko ng Malacañang, period!


◘◘◘


SUWERTE NG MGA KAMAG-ANAK NG MGA SUNDALO KASI UNA SILANG PABABAKUNAHAN NI P-DUTERTE—Ayon kay P-Duterte, hindi lang daw ang mga sundalo ang unang mababakunahan kapag may bakuna na sa bansa, kundi pati ang pamilya ng mga kawal ng pamahalaan.


Aba, dapat yata tuntunin na ngayon ng mga sibilyan ang mga kamag-anak nilang sundalo at magpakilalang pinsan, pamangkin, tito, tita sila, para makabilang sila sa suwertehing libreng unang matuturukan ng bakunang pangontra sa virus, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page