Season 102 NCAA bubuksan ng host San Beda sa MOA Arena
- BULGAR

- 3 days ago
- 2 min read
by Anthony Servinio @Sports News | August 31, 2026

Photo: Nagkakaisang hawak ang bola sa pangunguna ni Atty. Rico Paolo R. Quicho, ang NCAA Season 102 Basketball Commissioner kasama ang sampung team head coaches na sina San Beda Yuri Escueta, EAC Jerson Cabiltes, Mapua Cardinal's Chito Victolero, Arellano Chico Manabat, JRU Heavy Bombers Nani Epondulan, San Sebastian Rodney Santos, Letran - Asst coach Mike Buendia, Benilde Paolo Layog, Lyceum Jamike Jarin at Perpetual coach Olcen Racela sa idinaos na press conference ng Season 102 sa MOA Arena, Pasay City kahapon na magsisimula ang opening game sa Set. 13 sa MOA Arena, Pasay City. (Reymundo Nillama)
Magbubukas ngayong Setyembre 13 ang ika-102 NCAA sa tradisyonal na palabas sa MOA Arena. Itinalagang host ngayong taon ang San Beda University na may temang "Strive, Believe, Unite."
Tututukan ng pansin ang Red Lions na hahanapin ang kanilang ikalawang sunod na kampeonato kasabay ng kanilang pagiging punong-abala.
Tinalo ng SBU ang malupit na karibal Letran para sa titulo noong nakaraang taon. Ipapatupad muli ang parehong sistema noong nakaraang taon kung saan inihati ang 10 paaralan sa dalawang pangkat. Subalit may kaunting pagbabago at ngayon ay magiging twice to beat ang play-in sa pagitan ng ika-apat at ika-limang koponan sa bawat grupo.
Nasa Grupo A ang SBU kasama ang Saint Benilde, Mapua, Jose Rizal at Lyceum. Ang Grupo B ay binubuo ng Letran, Perpetual Help, Arellano at Emilio Aguinaldo.
Nanatiling mabigat na paborito ang SBU. Pero ayon kay Coach Yuri Escueta, malaking hamon ang paano nila tatakpan ang pagkawala ng ilang beterano subalit tiwala siya sa mga nakuha nilang baguhan tungo sa ika-25S tropeo sa Seniors Basketball ng paaralan.
Ayon kay NCAA Management Committee Chairman Atty. Jonas Cabochan ng SBU, may inihandang sorpresa sa seremonya katuwang ang Cignal. Ngayon magsisimula ang dalawang taong kasunduan ng liga at ayon Cignal VP Miguel Vea, maaaring habaan ito.
Maliban sa mga kinagawiang sports, magbabalik muli ang Aerobic Gymnastics at palakasin ang Golf. Pinag-aaralan din ang palaro sa Weightlifting at Boxing at isang fun run.





It's impressive how San Beda is stepping up to host Season 102 at the MOA Arena, providing a great venue for intense college basketball action. I’m curious to see how the players’ performances throughout the season will influence their future careers and team dynamics. build your hooper
It’s impressive to see San Beda hosting Season 102 at the MOA Arena, creating such an exciting atmosphere for the games. The detailed breakdown of the event schedule really helps fans plan their visits and catch all the key moments live. skyshard
It's impressive how San Beda is setting the tone for Season 102 at the MOA Arena with such energy and enthusiasm. I wonder if student-athletes there are using digital tools to keep track of their academic performance alongside their sports commitments. ai gpa calculator