Seaman, nag-bomb joke, kulong
- BULGAR

- May 30
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | May 30, 2026

Photo: PNP Aviation Security Group
Inaresto ang 26-anyos na seaman matapos umanong mag-bomb joke sa boarding process na nagdulot ng alarma at nag-udyok ng agarang security action sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Nagtanong ang isang cabin crew tungkol sa laman ng kanyang bag at sumagot umano ang pasahero na may “bomba” ito at kalauna'y sinabing biro lamang.
Ang nasabing pasahero ay mula sa Talisayan, Misamis Oriental, at nakatakdang bumiyahe pa-Butuan City.
Agad nagpatupad ng standard security procedures ang PNP Aviation Security Group, kasama ang bomb disposal at K9 units, upang suriin ang bagahe ng pasahero at ang paligid.
Walang nakitang paputok o mapanganib na bagay. Sa kabila nito, ikinulong pa rin ang pasahero dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o ang Anti-Bomb Joke Law.





Comments