top of page

Sea Lions at Blue Hawks, mababangis sa NCRAA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 1, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 01, 2023




Patuloy ang pamamayagpag ng parehong walang talong Olivarez College Sea Lions at Immaculada Concepcion College Blue Hawks sa taas ng 29th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) Seniors Basketball Tournament matapos ang hiwalay na tagumpay noong Huwebes sa Polytechnic University of the Philippines Gym sa Santa Mesa, Maynila.


Naagaw din ng PUP Lady Radicals ang solong liderato ng Women’s Division sa 89-67 panalo sa Philippine Merchant Marine School Lady Mariners.


Nakakasigurado na ang Olivarez sa quarterfinals at tinambakan ang walang panalong St. Dominic College of Asia Pikemen, 97-62, para sa malinis na 6-0 kartada. Umabot sa 85-47 ang agwat sa huling 7 minuto at naghahanap pa rin ang Pikemen ng panalo sa apat na laro.



Humugot ng balanseng opensa ang Sea Lions na pinamunuan ni Lance de Leon na may 14. Sumunod sina Karl Baclay at John Anthony Umali na may tig-12 puntos.


Galing sa 15-araw na pahinga, walang ipinakitang kalawang ang ICC kontra sa De La Salle University-Dasmarinas Patriots, 84-64, para sa kanilang ika-apat na sunod na tugumpay. Nanguna sa Blue Hawks ang mga reserba sa pangunguna ni Jomark Labio na may 18 puntos sa 15 minuto at Ian Torres na may 14 puntos, 6 na rebound at 6 na assist.


Nagising ang PUP noong second quarter at binura ang 26-22 lamang ng bisita PMMS sa 7 sunod-sunod na puntos nina Lovely Panti at Leira Dumbrique upang itayo ang 29-26 lamang. Lumaki ito sa 46-35 sa halftime at hindi na nila ito binitiwan hanggang umabot ng 84-58 bago ang last 2 minutes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page