Science-based solutions sa ibang bansa, try natin!
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 31, 2021
Marami tayong "record-breaking moments” nitong mga nakaraang araw.
Pumapalo na sa record-high 10,000 ang new daily cases ng COVID-19 sa bansa, na siyang nag-udyok sa pamahalaan na muling magdeklara ng enhanced community quarantine isang linggo pagkatapos ang “NCR Plus bubble.”
Puno ang mga ospital at isolation facility, at marami sa ating mga kababayan ang nangangambang magugutom ang kanilang pamilya lalo pa’t hindi tiyak ang agarang ayuda para sa kanila.
Sadyang hindi makatarungan ang sitwasyon natin ngayon, at marami sa atin ang nawawalan na ng pag-asa. Hindi na lang kasi tayo “back to square one,” bagkus ay mas malala na.
◘◘◘
Ngayong Semana Santa, taimtim ang panalangin nating maliwanagan ang isip ng mga nangunguna sa pagtugon sa pandemya.
Ang Semana Santa ay okasyon ng pag-asa dahil sa muling pagkabuhay ni Kristo at sa kaligtasang pangako Niya sa atin.
Nawa’y pagnilayan ng mga kapwa natin lingkod-bayan ang tunay na diwa ng Mahal na Araw, at magpanumbalik sa pangako nilang magsilbi sa ating mga kababayan.
Maging daan sana tayo sa pagtigil ng pagdurusa ng mga kababayan natin.
◘◘◘
Napakarami nang rekomendasyon kung anong kailangang gawin ng pamahalaan upang ma-kontrol ang pagkalat ng COVID-19.
Napatunayang ang pagka-epektibo ng mga inihahaing science-based solutions sa ibang bansa. Naka-alpas na sila.
Sa halip na banggitin pa ang mga rekomendasyong ito, mananawagan na lang tayo sa IATF—MAKINIG NAMAN KAYO.
◘◘◘
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments