top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

SCHOOL UNIFORM NA GINAMIT NI CHITO SA MUSIC VIDEO, NABILI NG P150 K!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 27, 2023




Kapuri-puri ang ginawang pagtulong ng bandang Eraserheads sa gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee na may sakit na lymphoma at kasalukuyang nasa ICU.


Malaking halaga ang kailangan para sa kanyang medical expenses. Kaya naman bilang tulong ay ipina-auction ang signed guitar ng Eraserheads na pirmado ng lahat ng miyembro ng banda.


Nabili ito ng P1.3 M at ito ay idinoneyt nila kay Gab Chee Kee.


Samantala, nag-organize rin ng fundraising ang leader ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda para sa maysakit nilang gitarista. Ipina-auction din niya ang school uniform na ginamit niya noon sa music video na Bagsakan. Nabili ito ng P150 thousand!




Ang puppets naman na sina Mr. Suave at Chito Matsing na kasama sa cover ng kanilang 2005 album na Halina Sa Parokya ay nabili ng P85 thousand.


Maging ang isang polo ng yumaong si Francis M. na kasama nila sa music video ay ipapa-auction din.


Lahat halos ng mga banda ay gustong tumulong para sa medical expenses ng maysakit na gitarista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page