SB19, PINAGMUKHANG SWAPANG AT MUKHANG PERA NINA VICE AT ANNE
- BULGAR
- Jun 13, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | June 13, 2023

Karamihan sa mga natanggap naming reaksiyon mula sa mga supporters ng SB19 ay naniniwalang may dapat na klaruhin sina Meme Vice Ganda at Anne Curtis.
Pumalag ang mga fans ng nasabing P-Pop boy band dahil nakasakit daw ng damdamin ang mga hosts ng It’s Showtime matapos nilang sabihin na hindi puwedeng basta-basta na lang gamitin ang pamosong kanta ngayon ng SB19 na Gento sapagkat kailangan mo raw munang magbayad.
Binigyang-diin ng mga fans ng nasabing P-Pop boy band na may kinalaman ito sa “intellectual and copyrights.” For sure, aware naman sina Vice at Anne hinggil sa usaping ‘yun, lalo’t mga concert and recording artists din sila.
Masakit nga namang matawag na “swapang o mukhang pera” gayung sumusunod lang ang SB19 sa batas tungkol sa usaping “copyright at intellectual property.”
Tama lang na magkaroon ng limitasyon sa paggamit ng isang likhang komposisyon, lalo’t kung gagamitin nang wala man lang pasabi o paabiso upang pagkakitaan.
Inihalintulad pa ito sa paggamit ng mga foreign songs na binabayaran din kung gagamitin ang mga ito sa isang show o programa.
Hindi naman ipinagdadamot ng P-Pop boy band na SB19 ang paggamit sa kanta nilang Gento basta maging maayos at malinaw daw ang mga nakakabit na paggagamitan nito.
“The damage has been done. Pinagmukha nilang swapang at mukhang pera ang Mahalima o SB19, gayung ang property rights ay hindi lamang para sa mga artists kundi para sa lahat ng na-involve rito mula sa mga staff, production at composer. Nasanay kasi tayo sa libre,” dagdag pa ng mga supporters ng P-Pop boy band na nagpasikat sa awiting Gento.
Comments