ni Eli San Miguel @Entertainment | May 7, 2024
Nasungkit ng bagong single ng P-pop group na SB19 ang number 1 sa music charts ng siyam na bansa.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 1.2 milion views sa YouTube ang music video ng bagong kanta ng grupo na "Moonlight."
Sa isang post ng grupo sa X (dating Twitter), inihayag na nag-number one ang collaboration song ng SB19 kasama sina Ian Asher at Terry Zhong sa music charts sa Pilipinas, Singapore, Hong Kong, Saudi Arabia, UAE, Indonesia, Cambodia, Bahrain, at Qatar noong Linggo.
Nakamit din ng kanta ang ika -10 puwesto sa iTunes sales sa buong mundo noong ika-4 ng Mayo.
Inaasahan namang magdaraos ng back-to-back concert ang grupo sa May 18 at 19 sa Smart Araneta Coliseum.