top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg
Search

SB19 AT BINI, NANGUNA SA THE HIGHEST CHARTING P-POP SONGS SA BILLBOARD PH CHARTS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 8, 2026



SB19 at BINI PH - IG

Photo: SB19 at BINI PH - IG



Nanguna ang BINI at SB19 sa listahan ng The Highest Charting P-Pop Songs on the Billboard Philippines Charts, na lalo pang nagpatibay sa kanilang katayuan bilang dalawa sa pinakamalalaking OPM artists ngayon.


Itinatampok ng listahan ang 25 kantang P-pop na may pinakamataas na charting sa Billboard Philippines Hot 100, Top Philippine Songs, at Billboard’s World Digital Song Sales charts.


Patunay ito sa patuloy na paglago ng musikang pop ng mga Pilipino at sa lumalawak nitong impluwensiya sa lokal at internasyonal.


Nakakuha ang Nation’s Girl Group na BINI ng 11 entries, na pinangunahan ng ilan sa kanilang pinakamalalaking hit na Pantropiko, Karera, at Lagi.


Samantala, may 12 entries naman ang SB19 sa listahan. Kabilang sa kanilang mga natatanging kanta ang DAM, VISA, DUNGKA! at GENTO.


Kasama rin sa listahan ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at ang P-pop boy group na ALAMAT.


Nakapasok naman ang Popstar dahil sa kanyang hit song na Tala at sa kolaborasyon nila ng SB19 na Umaaligid, habang kabilang naman ang ALAMAT sa pamamagitan ng kanilang multicultural anthem na Maharani.

Congratulations!





Nag-aaral nang magluto…

KATHRYN, PUWEDE NA RAW MAG-ASAWA



PUWEDE na raw mag-asawa ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Ito ang birong komento ng ilang netizens matapos mapanood ang video kung saan makikitang nag-aaral magluto ang Kapamilya star.

Marami sa kanyang mga tagahanga ang natuwa at sumuporta sa bago niyang hilig.


Ang pag-aaral niyang magluto ay bahagi ng kanyang paglalaan ng oras para sa sarili kahit super-busy niya sa showbiz.


Sa isang video na kumalat online, natanong ng ilang netizens kung naghahanda na ba siyang mag-asawa.


Sey ng isang netizen, “‘Di naman nangangahulugang nag-aaral magluto si Kath ay malapit na s’yang mag-asawa.”


Maraming tao ang natututong magluto para sa iba’t ibang dahilan—para sa sariling kalusugan, bilang hobby, o bilang bahagi ng pagiging mas independent.

Sa isang panayam, sinabi rin ni Kathryn na nais pa niyang madagdagan ang kanyang kaalaman at kasanayan sa pagluluto.


Tungkol naman sa kanyang love life, marami mang lumalabas na usap-usapan, wala pa naman siyang anumang opisyal na pahayag tungkol sa pagpapakasal. Kaya hindi maaaring ituring na senyales ng nalalapit na pag-aasawa ang kanyang pag-aaral sa pagluluto. 

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page