SB19 at Apl de Ap, inilabas ang collab single na ‘Ready’

ni Angela Fernando @News | May 31, 2024

Nagsama ang P-pop group na SB19 at ang kilalang rapper na si Apl.de.Ap para sa kanilang collaboration single na ‘Ready.’
Isang club anthem ang nasabing kanta na binuo ni Keith Harris, na matagal nang nakakasama ng kilalang grupong Black Eyed Peas.
Tumulong din ang mga miyembro ng nasabing P-pop group sa produksyon ng kanta at naglagay ng ilang elements na makakapagpadagdag sa buhay ng awitin.
“We never got the chance to record together in a single booth, but Apl.de.Ap was such a great guy to work with. It’s an honor to collaborate with a global superstar of his caliber. We’ve learned so much from his generosity and creative feedback,” pahayag ng SB19 member na si Justin.
Ayon naman kay Stell na miyembro rin ng P-pop group, bago raw para sa kanila ang collaboration kasama si Apl.de.Ap.
Nagpakita rin ang grupo ng paghanga sa international rapper and singer at sinabing hindi araw-araw ay nakakatrabaho nila ang kanilang iniidolo.





Comments