top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sayang lang daw ang oras… KYLIE, WALANG BALAK IDEMANDA SINA ALJUR AT AJ

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 20, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 20, 2022



Itinanggi ni Kylie Padilla ang tsismis na diumano ay balak niyang idemanda ang kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica at ang rumored GF nitong si AJ Raval.


Hindi raw sumagi sa isip ni Kylie ang tungkol dito, kaya 'wag na raw siyang idadamay pa sa isyu.


Ang kanyang panahon at atensiyon ngayon ay ibinubuhos ni Kylie sa dalawang anak na sina Alas at Axl. Sila ang kanyang prayoridad sa ngayon at thankful si Kylie sa GMA Network dahil ibinigay sa kanya ang seryeng Bolera.


Malaking hamon sa kanya ang role at hindi niya akalain na tatangkilikin ito ng mga viewers.


Malaking karangalan din kay Kylie na nakasama-nakaeksena at suportado siya ng mga kilalang billiard champions na sina Efren Bata Reyes, Dyanggo Bustamante, atbp.!


Ang kanyang career ang importante kay Kylie Padilla at hindi na niya gustong magkaroon pa sila ng isyu ni Aljur Abrenica.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page