Sayang daw ang pera sa mga Pinklawan… CONCERT NINA SHARON AT REGINE, IPINABOBOYKOT
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 1, 2022

Back to work na si Megastar Sharon Cuneta after maging bisi-bisihan sa campaign ng kanyang asawa na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan for almost a month.
Last public appearance ni Mega na ipinost niya sa kanyang socmed accounts ay noong mapanood siya sa concert ng K-pop artists na sina NCT Dream and SHINee Key.
Doon ay nakita ng mga fans ni Mega na nag-enjoy talaga siya sa panonood ng concert and with matching tears pa.
Say ng anak ni Mega na si Kakie sa caption ng ipinost niya sa Twitter na picture ng kanyang ina na naluluha habang nanonood ng concert, “Kim Kibum (K-pop singer) 'kaw lang ang nagpapaiyak sa mama ko nang ganito.”
Obvious na sobrang na-happy si Mega na mapanood ang K-pop singer. Deserved na deserved ni Mega ang sumaya naman pagkatapos ng magkasunod na heartbreaks na pinagdaanan niya.
Prior to her favorite K-pop singer’s concert, unang nag-public appearance si Sharon sa wake ng kanyang best friend na makeup artist na si Fanny Serrano. Then, sumunod naman sa wake ni Susan Roces.
After niyang manood ng concert, "werk-werk-werk" na ulit si Mega. At kahapon nga, bumalik na siya sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.
At habang nagte-taping, naghahanda na rin tiyak si Mega para sa nalalapit na back-to-back concert nila ni Regine Velasquez sa Marriot Grand Ballroom, Resorts World Manila on June 17 & 18.
Sa socmed ni Mega ay ipinost niya ang poster ng Iconic concert nila ni Regine.
Nakaka-sad lang dahil may mga supporters ng presumptive president na si BBM ang nagko-comment na i-“cancel” ang concert nila ni Regine.
“BOYCOTT THIS CONCERT OF PINKLAWANS,” comment ng ilang netizens.
“WASTE OF MONEY AND TIME. NO TO PINKLAWANS.”
Luh, may ganern?! Hindi pa rin naka-move-on?
Anyway, sa separate IG post naman ni Regine ay may mga ganito ring comments. At ‘yung isa pa nga, may “maintrigang” tanong, “I thought Shawee is leaving for good?”
'Kalurky, bakit naman aalis ng 'Pinas si Sharon?
May teleserye siya with Coco Martin at may ipinapagawang mega-mansion sa Silang, Cavite, tapos aalis ng bansa for good?
Hmmm… nangangamoy fake news.





Comments