Sayang ang magandang lahi… IBINUKING NI VILMA: LUIS AT JESSY, GAME NANG GUMAWA NG KAPATID NI PEANUT
- BULGAR

- Jul 8, 2025
- 3 min read
Updated: Jul 26, 2025
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 8, 2025
Vilma Santos
Well-attended ng iba’t ibang mayors at leaders mula sa iba’t ibang lugar sa Batangas ang ginanap na Inaugural Address kahapon ng kanilang nagbabalik-governor na si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto.
Hindi man nakarating ang mister ni Gov. Vi na si Dept. of Finance Secretary Ralph Recto, present naman ang kanyang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian upang suportahan ang unang araw ng pagbabalik ni Ate Vi bilang ina ng Batangas.
Nakaka-proud ang pag-acknowledge ni Gov. Vi sa naging suporta at importansiya ng kanyang pamilya para sa kanyang mga pangarap na gawin sa kanyang pagbabalik bilang gobernador ng Batangas, kung saan itutuloy pa rin niya ang kanyang H.E.A.R.T.S. (Health, Education, Employment, Environment, Agriculture, Roads and Infrastructure, Tourism and Technology, Security and Social Welfare) pero mas enhanced lang this time.
Kahapon nga ay 4 agad na executive orders ang pinirmahan ni Gov. Vi para sa kanyang mga bagong proyekto sa Batangas.
At ang good news pa ni Gov. Vi, makakatulong niya ang anak na si Luis sa pagpapatupad ng kanyang mga proyekto kahit pa walang matatanggap na suweldo ang TV host.
Aminado ang aktres-pulitiko na mas may kaalaman si Luis sa social media na magagamit nila para mas mapadali ang pagpapatupad ng kanilang mga pangarap na pagbabago sa Batangas.
Kaya naman instead 3 shows, dalawang shows lang muna ang tinanggap ni Luis sa ABS-CBN para makapagbigay ng time sa kanyang pagtulong kay Gov. Vi.
Samantala, natanong namin si Gov. Vi kung kinukulit ba niya sina Luis at Jessy na sundan na ang napaka-charming niyang apo na si Peanut.
Natawa naman si Ate Vi sa pambubuking kina Luis at Jessy na next year ang balak ng mag-asawa na bigyan na ng kapatid si Peanut. Sa ngayon kasi, busy pa si Jessy sa teleserye nitong Sins of the Father kasama si Gerald Anderson, habang si Luis ay magsisimula nga rin ng kanyang voluntary task sa Batangas.
Well sa ngayon, hindi muna maaasahan si Ate Vi na gumawa ng movie dahil priority muna niya ang mga dapat niyang gawin bilang gobernadora.
Good luck, Gov. Vi at mabuhay ka!
NAMUMUGTO pa ang mga mata ni dating Sen. Bong Revilla, Jr. nang abutan namin sa wake ng namayapa niyang manager na si Manay Lolit Solis.
Mas masakit para kay Sen. Bong ang pagpanaw ni Manay dahil alam niya kung gaano siya kamahal at ipinaglaban nito, lalo na nitong mga huling araw matapos ang eleksiyon, kung saan naramdaman niyang talagang dinamdam din ng manager ang kanyang pagkatalong senador.
Pero sabi nga raw ni Manay Lolit sa kanya, bumangon at ituloy lang ang buhay, kaya hindi naman nawawalan ng pag-asa si Sen. Bong.
Sa ngayon, gusto na lang niyang ipaubaya sa kanyang mga abogado ang mga nanira sa kanya at nagkalat ng fake news sa social media, habang siya ay magbabalik-showbiz soon para maghatid ng saya sa kanyang mga fans at followers.
Condolences sa mag-asawang Sen. Bong. at Congw. Lani Mercado na talagang itinuring nang pangalawang ina si Manay Lolit Solis.
Mahigpit din kaming nakikiramay sa mga anak at apo ni Manay Lolit na talaga namang malaking kawalan sa industriya.
Knows mo ‘yan, Donnalyn?
ISA PANG ‘D’ SA BUHAY NI JM, SINGER-DJ
TANGGAP na ng DJ-turned singer na si Debbie Lopez na si Donnalyn Bartolome na ang laman ng puso ni JM de Guzman ngayon, pero aminado siyang crush at kinikilig pa rin sa guwapong aktor at hindi niya makalimutan ang personal greetings sa kanya ni JM nang mag-birthday siya.
Ipinakita pa nga ni Debbie sa presscon ng launching ng kanyang bagong single na Ang Higugmaon Ka (AHK) kamakailan ang greetings ni JM at super-kilig siya.
Pero ngayong gusto na rin niyang pasukin ang pag-arte matapos ang acting workshop kay Ogie Diaz, pangarap din daw niyang makasama ang Pambansang Bae na si Alden Richards.
Nahiya lang daw si Debbie na magsabi kay Ogie na gusto na rin niyang i-try ang acting pero ‘pag inalok daw siya uli nito ay go na go na siya.
Sa ngayon, ang promo muna ng kanyang bagong single ang inaasikaso ni Debbie at masaya siya na maraming nagkagusto sa song, na kahit ang press people ay nagsabing bagay sa kanya ang naturang Cebuana song.
Naging special guest ni Debbie sa kanyang launching si Mon del Rosario at ang misis nito. Sabi nito, abangan ang collab nila ni Debbie dahil may pinaplano silang song na mas bobongga ang singing career ni Debbie.
Anyway, may new single pang ire-release si Debbie, ang Undecided Love (UL) na
galing sa personal niyang experience.
Congrats, Debbie!







Comments