top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Save My Savings nanggulat sa 3-YO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 14, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 14, 2023



Binulaga ng dehadong Save My Savings ang mga karerista matapos manalo sa 2023 PHILRACOM "3-Year-Old Maiden Stakes Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Pumuwesto sa pang-apat si Save My Saving sa kalagitnaan ng karera kung saan ay nakapanabayan nito ang liyamadong si Runway Ten habang nasa unahan sina Barrowed Heaven at Pay D Lady.


Pagdating ng home turn ay nagkapanabayan na sa unahan sina Save My Savings na nasa bandang labas, Runway Ten na dumaan sa tabing balya at Barrowed Heaven na nasa gitna.


Nakitaan ng husay ang winning horse sa huling 150 metro ng laban sa rektahan, naagaw ng anak nina Bite My Dust at Tagapagmana na si Save My Savings ang unahan at nabigyan pa siya ng magandang laban dahil malakas ang dating ni Chrome Bell.


Pero nanatili ang tikas ni Save My Savings, nauna pa rin itong tumawid sa meta ng may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang si Chrome Bell sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Ginabayan ni class A rider O'Neal Cortez, inirehistro ni Save My Savings ang tiyempong 1:25.4 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si RL Abacan ang P720,000 premyo.


Nakopo ni Chrome Bell ang P240,000, habang tig- P120,000 at P60,000 ang 3rd at 4th placers na sina Barrowed Heaven at Destin Guest ayon sa pagkakasunod.


Nagbulsa rin ang fifth at sixth ng tig-P36,000 at P24,000 habang nasikwat ng breeder ng winning horse ang P60,000.


Samantala, tuloy ang ensayo ni Save My Savings upang paghandaan ang susunod na stakes race na sasalihan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page