top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sarno, naka-5th place sa World Weightlifting C'Ships

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | December 15, 2021




Nabigo mang makasampa sa podium ang batang Pinay weightlifter na si Vanessa Sarno para sa 71 kg division ay tumapos itong ikalima sa 2021 World Weightlifting Championships nitong Lunes sa Tashkent, Uzbekistan.


Sa may 27 mga katunggaling lifters, ang 18-anyos na tinatayang papalit sa yapak ni Olympic champion Hidilyn Diaz ay nagawang mabuhat ang pinagsamang 231 kg na bigat ng bakal.


Patas na sana si Sarno kay Patricia Strenius ng Sweden at American Olivia Reeves, pero nakaungos ang mga puti sa bisa ng tiebreak.


Nakumpleto ni Sarno ang lahat ng tatlong lifts sa snatch, at ang huli na 103 kg ang naglagay sa kanya sa ika-5 puwesto para sa clean and jerk. Tagumpay niyang nabuhat ang 128 kg sa unang tangka, pero nabigong buhatin ang 131 kg.


Naiangat naman ni Strenius ang 104 kg sa ikatlong tangka sa snatch, at 127 kg sa ikalawang tangka sa clean and jerk. Iniangat ni Reeves ang 104 kg sa second attempt sa snatch at 127 kg sa second attempt ng clean and jerk. Tumapos sa 3rd place si Strenius maging ang bronze sa snatch habang silver medalist si Reeves sa snatch.


Napagwagian ni American Meredith Alwine ang gold medal sa kabuuang pagbuhat na 235 kg. Iniangat niya ang 100 kg sa snatch, sapat para sa 10th place, pero kinumpleto ang pagbuhat sa 135 kg sa clean and jerk. Silver medal si Sarah Davies ng Britain sa kabuuang 234 kg, 102 kg sa snatch at 132 kg sa clean and jerk.


Ikapitong puwesto naman si Southeast Asian Games champion Kristel Macrohon sa total lift na 228 kg (103 kg snatch, 125 kg clean and jerk).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page