Sariling gastos... VP Sara, biyaheng Hong Kong

ni Mervin Reyes @News | November 7, 2026

Photo: File / VP Sara Duterte
Tutungo sa Hong Kong si Vice President Sara Duterte mula Nobyembre 6 hanggang 8, 2026, upang dumalo sa ilang aktibidad, kabilang ang isang pagtitipon na inorganisa ng Filipino community doon, ayon sa Office of the Vice President (OVP) nitong Biyernes.
Ayon sa OVP, personal na pondo ni Duterte ang gagamitin sa biyahe at walang pera, kagamitan o pasilidad ng gobyerno ang gagamitin kaugnay nito.
Nakakuha rin umano ang Bise Presidente ng pahintulot mula sa Quezon City Regional Trial Court Branch 98 sa pamamagitan ng kautusang may petsang Nobyembre 3. Naglabas din ang Office of the President ng kaukulang travel authority.
Matatandaang magpapatuloy sa Lunes, Nobyembre 9, ang impeachment trial ni Duterte, kung saan nakatakdang ilahad ng defense panel ang kanilang mga ebidensya.





Comments