SARAH, SUSUNOD NA KAY MATTEO SA TV5

ni Nitz Miralles - @Bida | March 1, 2021

Susundan ni Sarah Geronimo ang asawang si Matteo Guidicelli sa TV5 dahil katulad nito, magkakaroon na rin ng show sa Kapatid Network ang magaling na singer. Pero, hindi sa Born To Be A Star siya magho-host, kundi sa bagong talent search na POPinoy na naghahanap ng next P-Pop sensation.
Hindi naman siguro magtatampo ang Kapamilya fans na magkakaroon ng show sa TV5 si Sarah dahil ang TNT na ini-endorse raw niya ang major sponsor ng show.
Ang Viva Entertainment ang producer ng POPinoy at nakakontrata naman sa Viva Artists Agency si Sarah.
Sabi ng isang netizen, hindi pumirma sa TV5 si Sarah at blocktimer ang Viva kaya hindi masasabing umalis sa ABS-CBN ang Pop Princess. Saka, babalik pa rin naman siguro sa ASAP Natin ‘To ang misis ni Matteo.





Comments