top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

SARAH, PINASALAMATAN SINA MOMMY DIVINE AT DADDY DELFIN SA 20TH ANNIV NIYA SA SHOWBIZ

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2023
1 min read

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | March 4, 2023



Nakakatuwa naman ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.


Napanood namin ang isang video clip kung saan sinorpresa si Sarah ng Viva big boss na si Mr. Vic del Rosario at ng ilang staff ng Viva para batiin sa kanyang 20th year in showbiz.


Napakasimple ni Sarah sa naturang video — walang makeup, walang ayos ang buhok, walang bonggang OOTD (outfit of the day) — pero wa' siya care at hindi man lang na-conscious sa kanyang looks.


Magiliw pa rin niyang pinasalamatan ang mga taong naging bahagi ng kanyang showbiz career sa loob ng 20 yrs.


Unang-una nga niyang binanggit ang kanyang Mommy Divine at Daddy Delfin Geronimo at ang kanilang pamilya, si Boss Vic at ang Viva, ang ABS-CBN, ang kanyang mga fur babies at siyempre, last but not the least, ang kanyang "My Labs" na si Matteo Guidicelli.


Ang nakakatuwa kay Sarah, kahit parang dedma lang naman ang kanyang parents sa pagpapakumbaba niya, never say die ang aktres-singer at patuloy na gumagawa ng way para mapalambot ang puso ng mga magulang.


Well, in time, for sure ay magkakaayos din si Sarah at ang kanyang parents.


'Wag lang sanang mahuli ang lahat bago pa sila magkapatawaran dahil sabi nga, "Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?"


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page