top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sarah, out! ANNABELLE: PAMILYA GUTIERRE, SA JAPAN MAGPA-PASKO AT BAGONG TAON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 9, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | December 9, 2023




Mag-isang dumating si Annabelle Rama sa double celebration ng birthday ni Cathy Valencia at 18th anniversary ng kanyang CV Advanced Skin Clinic na ginanap sa Marriot Hotel last Thursday.

 

Sa labas ng ballroom ay inabangan na siya ng TV Patrol showbiz news anchor na si MJ Felipe and finally, Annabelle broke her silence sa matagal na ring usap-usapan sa hiwalayan ng kanyang anak na si Richard Gutierrez at ng misis nitong si Sarah Lahbati.

 

Annabelle neither denied nor confirmed ang nababalitang hiwalayan nina Richard at Sarah kay MJ. But just the same, may mga pahaging na si Annabelle gaya ng pagtira ni Richard sa bahay niya at kasama ng aktor ang dalawang anak nila ni Sarah.

 

At ayon pa sa nanay ni Richard, sa darating na Kapaskuhan ay magkakasamang pupunta ang pamilya Gutierrez sa Japan simula December 25 to January 3 pero “minus one” lang daw, na ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Sarah. 

 

Base sa iba pang statement ni Annabelle kay MJ, tila nangangamoy-“pera” ang rason ng hiwalayan ng mag-asawang Richard at Sarah, taliwas sa unang kumalat na may ibang babae si Richard.

 

Pagkatapos ay pumasok na si Annabelle sa loob ng ballroom kung saan ginanap ang selebrasyon ng birthday ni Cathy Valencia at 18th anniversary ng kanyang clinic.

 

Pinagmasdan namin si Annabelle habang nakaupo sa kanyang lamesa. All-smiles naman siya sa lahat ng bumabati at bumebeso sa kanya sa party.

 

Matagal nang kaibigan at suki si Annabelle sa beauty clinic ni Cathy Valencia. Two years ago sa birthday party din ni Cathy Valencia, present si Annabelle kasama ang kanyang nahiwalay din sa asawang panganay na anak na si Ruffa Gutierrez.

 

Sina Richard at Ruffa ang dalawa sa mga anak nina Annabelle at Eddie Gutierrez na parehong aktibo sa showbiz.

 

Spotted din namin sa double  celebration ni Cathy Valencia ang magdyowang sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, Elisse Joson, McCoy de Leon, Marco Gumabao, ang mag- asawang John Prats at Isabel Oli, ang mag-inang Sunshine Cruz at Angelina, Alyssa Muhlach, Kitkat, Michelle Vito, Enzo Pineda at Jessy Mendiola. 

 

In fairness, famous, interesting and controversial ang celebrity endorsers ni Cathy Valencia, huh? 

Kaya naman aligaga rin kami sa pag-iinterbyu sa kanilang lahat that night. 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page